• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson speaks out on issues linking him to different women

Gerald Anderson speaks out on issues linking him to different women

Gerald Anderson says that he is not closing any doors on what will eventually happen to his love life.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/21/2012 9:59 AM
Gerald Anderson speaks out on issues linking him to different women


112112-gerald_main.jpgKabi-kabila ang mga tanong kay Gerald Anderson tungkol sa mga babaeng na-link sa kanya. Isa na nga dito ay ang kanyang kauna-unahang love team at katambal muli sa pelikulang 24/7 In Love na si Kim Chiu. Sa presscon ng kanilang pelikula, nasagot ng binata na hindi siya nagsasara ng kahit na anong pintuan sa kanilang dalawa. Nang makapanayam muli ang aktor tungkol sa bagay na ito, pinanindigan niya ang naging sagot niya. Aniya, “Sino ba ang nagko-close talaga ng door? Mahirap yan, paano yan?” Dagdag pa ng binata, “Siyempre hindi naman natin pwedeng basahin yung future kung anong mangyayari.

Sinagot din ni Gerald ang ilang kumakalat na isyu na nagkausap sila ni Mommy Divine, ang ina ni Sarah Geronimo, tungkol nga sa dalaga at agad itong pinabulaanan ni Gerald, “Waley yan. Huwag na yan. Hindi totoo yan, hindi totoo.”

Sa tanong kung isa ng closed book ang love story nilang dalawa ng Pop Princess, ang naging matipid na sagot ni Gerald, “Sabi ko nga sa iyo, paano magiging closed yan e hindi naman natin kayang basahin ang future.” Natanong din siya na kung kahit papaano ay nagkakaroon pa rin sila ng komunikasyon ng dalaga. “Hindi na gaano, hindi na masyado.” At kung dati nga ay bukas ang kanilang pag-amin sa pakikipagtextan sa isa’t isa ngayon nga, ayon kay Gerald ay wala nang pagkakataon na sila ay magkausap kahit sa text man lang.

Pero sa tanong na sa kabila ng mga nangyari kung espesyal pa rin si Sarah sa kanya, sagot niya, “Oo naman, oo naman.”

Itinanggi din ni Gerald ang pagkakadawit ng pangalan niya kay Shaina Magdayao at sinagot na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita na nililigawan niya ito. “Hindi po, hindi po. Kaibigan lang.”

Hindi rin mapigilan ang ilang katanungang umiikot tungkol sa pagiging malapit nina Gerald at ni Janice de Belen na gumanap na Ina nito sa teleseryeng Budoy. Kamakailan sa birthday celebration ni Janice, marami ang nakapansin na hindi mapaglayo ang dalawa at magkahawak pa ng kamay. Sagot ng binata, “Kami ni Ate Janice? Oo naman, oo naman siyempre nanay ko yun e. Grabe yung suporta na binibigay niya sa akin and vice versa.”

Kahit sa ibang mga okasyong kung saan nandun ang dalawa, sinasabing hindi mapaglayo ang isa’t isa na maaring mabigyan ng kulay ng ibang tao sa showbiz. Ang naging pabirong sagot ni Gerald dito, “Seryoso ba yan? Grabe naman. Seksing-seksi yan para sa akin, nai-inlove na ako, nai-inlove na ako.”

Kaya naman hindi na rin napigilan ng ibang press magtanong kung posible bang ma-in love si Gerald sa babaeng mas malaki ang agwat ng edad sa kanya. At bukas naman ang binata dito, “Like I said hindi natin pwede malaman kung anong mangyayari ‘di ba?

At sa pagkumpirma kung talagang ina lang ang pagtingin ni Gerald sa kaibigang si Janice, “Oo. Tinanong niyo na ba siya tungkol diyan? Naku huwag na nakakahiya. Seryoso? Grabe, nanay ko yan.”

Napag-uusapan na rin lang ang pag-ibig, aminado si Gerald na sa kabila ng mga nangyari sa kanyang personal na buhay ay hindi pa rin ito sumusuko sa pag-ibig. Handa siya ngunit hindi niya ito hinahanap. Aniya, “Lagi naman akong open sa lahat basta tamang timing at kung masaya ako at masaya siya kung sinuman yun.” Dagdag pa niya, “Pero alam mo yun, hindi ko naman hinahanap o alam mo yun, hindi ko naman kailangan hanapin yun.” Inamin din niyang kasama sa kanyang mga dasal ang pagdating ng tamang babae sa kanyang buhay.

Ngunit sa pagkakataong ito kung may pagpipilian di umano si Gerald, mas nanaisin niyang non-showbiz na lang ang kanyang maging karelasyon. “Given a choice sana non-showbiz para alam mo yun maiba naman, tahimik. Pero you’ll never know, you’ll never know, hindi ko pa rin masabi.