• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo explains why she prefers appreciation for her work over fame

Bea Alonzo explains why she prefers appreciation for her work over fame

Bea Alonzo says that she still has a lot to learn and experience to be called a good actress.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/2/2012 8:04 AM
Bea Alonzo explains why she prefers appreciation for her work over fame


110212-bea_main.jpgMarami ang nag-isip na baka magkapareho ang istorya ng teleseryeng A Beautiful Affair at pelikulang The Mistress, na parehong pinagbibidahan ng team-up nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Gayunpaman, tiniyak ni Bea na malaki ang pagkakaiba ng dalawang proyekto. Kung ang The Mistress ay tungkol sa pakikiapid ng isang dalaga sa lalaking may pamilya, ang A Beautiful Affair naman ay binubuo ng iba-ibang aspeto. “It’s a story of love and loyalty; parang can you really put them together?” paliwanag ni Bea nang matanong siya. “[It’s about] being in love and being loyal to someone else, so ibang-iba ang pagka-mature nito.”

Kuwento pa niya sa karakter niya sa teleserye, “In fact ‘yung character ko sa umpisa hindi siya ganon ka-mature. Medyo sheltered nga siya so hindi siya hinahayaang magdesisyon by herself, so may pagka-immature pa nga ‘yung mga ginagawa niya, until meron isang bagay na mangyayari na magpu-put sa kanya to be mature.”

Ginampanan naman ni Bea ang role ng isang simpleng babae sa The Mistress na nakiapid sa isang de-pamilyang lalaki na tumulong sa karakter ni Bea upang matulungan ang kanyang pamilya.

Pag-amin pa ni Bea, mas kinabahan siya na baka malito siya sa kanyang mga karakter na gagampanan. Sinabi niya na nagkasabay kasi ang taping ng teleserye at shooting ng pelikula noon. “’Yun ang fear ko, sabi ko baka maghalo, baka malito ako. Pero alam mo nung pinanood ko, siguro malaking bagay ‘yung six or seven straight days we were taping in Vienna (Austria), so nakalimutan ko talaga ‘yung The Mistress for a while, and when I saw the trailer nakita ko ‘yung malaking difference niya [sa role ko sa teleserye] kasi ibang-iba talaga,” mahabang paliwanag ng aktres.

Sa press conference ng A Beautiful Affair, ang iginagalang na talent manager/columnist na si Manay Ethel Ramos ay tinawag na “super star” si Bea. Kinuha ng Push.com.ph ang reaksyon ni Bea tungkol dito at sa paghanga sa kanya bilang isang mahusay na aktres sa kanyang henerasyon.

Madaming-madaming-madami pa akong bigas na kakainin. Tsaka mahirap ipasok ‘yan sa ulo, so ngayon gusto ko lang naa-appreciate [ng tao] ‘yung nakikita onscreen ang acting ko, mas nagka-count ‘yon more than the stardom na mas madaling mawala,” sagot ng actress.