• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on her French suitor: 'Talagang nagpu-pursue siya'

KC Concepcion on her French suitor: 'Talagang nagpu-pursue siya'

KC says she doesn't want to discuss details of her love life just yet.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/19/2012 12:49 AM
KC Concepcion on her French suitor: 'Talagang nagpu-pursue siya'


111912-kc_main.jpgMarami ang naintriga sa mga photos na ipinost ni KC sa kanyang account sa isang social networking site kung saan ipinapakita na kasama niya ang kanyang  suitor na si Pierre Emmanuel Plassart, isang French filmmaker. Sweet ang photos nina KC at Pierre at may mga iba pang kasama. Marami nga ang nagtatanong kung sila na ba ni Pierre. 

Inamin ni KC na nakasama niya si Pierre sa isang dinner nang nasa Italy ang actress-host. “He was kind enough to come for a dinner sa Italy so he spent dinner, napakabait na tao at talagang nagpu-pursue siya at hindi ko akalaing may isang taong kayang mag-pursue nang ganon,” kuwento ni KC. 

Kinunan din siya ng reaksyon sa naunang pahayag ng ina niyang si Sharon Cuneta na boto siya kay Pierre para kay KC. “’Yung nanay naman usually pag masaya ang anak, mas masaya sila. Kapag malungkot ‘yung anak, mas malungkot pa sa kanila.” 

Tinangkang tanungin kay KC kung naipakilala na ba siya sa pamilya ni Pierre subalit sa puntong iyon ay tumanggi nang magdetalye pa ang dalaga. “Ayoko na po munang pag-usapan ‘yung love life (ko). Gusto kong i-keep muna ito at i-enjoy nang  mag-isa, hindi naman mag-isa, pero isi-share ko rin naman sa inyo eh.

Ibinahagi din  ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon na si Pierre ang nag-host ng nasabing dinner habang nasa European vacation si KC. 

Idinagdag naman ni Toni na nagkita sila earlier that day ni KC sa ASAP at nakita niya na masaya at blooming ang dalaga.