• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo still not ready to say 'I love you' to Daniel Padilla

Kathryn Bernardo still not ready to say 'I love you' to Daniel Padilla

The actress wants to know Daniel more before getting in a relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/19/2012 12:46 AM
Kathryn Bernardo still not ready to say 'I love you' to Daniel Padilla


111912-kathryn_main.jpgNapuno ng kilig ang studio ng The Buzz kahapon nang mag-guest sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para i-promote ang kanilang upcoming movie, ang 24/7 In Love na ipalalabas ngayong Miyerkules, November 21. 

During the segment ay puro mga kilig questions  ang itinanong ni Boy Abunda sa dalawang young stars. Unang tanong ng King of Talk ay kung totoo bang pinagbabawalan ng aktor si Kathryn na magsuot ng sobrang iksing mga damit gaya ng shorts. Kinumpirma iyon ni Daniel at sinabing hindi siya komportable kapag naka-shorts ang dalaga at nakakaramdam daw siya ng pagseselos. “Ayokong tinitingnan siya ng ibang lalaki, pag kunyari maiksi ang shorts niya tapos titingnan siya sa baba, ‘pag ganun gusto kong tanggalin ang mga mata (ng lalaking tumitingin),” pangungumpisal ng binata.  

Sinabi naman ni Kathryn na hangga’t kaya ay sinusunod niya si Daniel. “Nakikinig po pero sumusunod (ako) depende sa situation. For example may prod (production number sa ASAP) walang magagawa kundi ipasuot, kailangan maiksi, pero pag lalabas naglele-leggings na lang ako para covered talaga siya.” 

Flattered naman daw ang dalaga dahil nakakaramdam siya ng concern mula kay Daniel at marunong mag-alaga bilang ka-love team.  

Tinalakay rin kahapon kung ano ang naramdaman nila during their first meet up. Nangyari raw yon sa taping ng Gandang Gabi Vice pero ani Daniel, hindi raw sila nagpansinan at nagkausap sila sa taping na lang ng dati nilang afternoon show, Growin’ Up. Inamin din ni Kat na during a taping ng nasabing youth-oriented show ay nagkaroon ng pagkakataon na nakaramdam na siya ng kilig kay Daniel. “Siguro as artista normal na madadala ka sa isang eksena,” pag-amin niya. Aniya, Boracay episode iyon at pagkatapos ay may sweet scene sila.  

Nagbigay rin ng hypothetical question si Boy sa dalawa na kung magsasabihan ba sila ng “I love you” sa isa’t isa kung mage-end of the world na, na base sa premise ng kanilang pelikulang 24/7 In Love. Sinabi ni Daniel na oo sasabihin niya ito, subalit tila hindi iyon gagawin ni Kathryn. “Ako imbes na mag-I-love-you-han, mas okay kung mag-thank-you-han na lang kayo sa isat-isa kasi naging maganda ang year na ito para sa amin.

Ngayon daw ay hindi pa raw sila pero sinabi ni Kat na kung ire-rate niya si Daniel 1-10 and 10 being the highest, nasa 7 ang rating niya kay Daniel. Aniya kinikilala pa rin niya ang binata.