• Home
  • Fresh Scoops
  • Mara Lopez talks about being compared to her mom Maria Isabel Lopez

Mara Lopez talks about being compared to her mom Maria Isabel Lopez

Mara Lopez says that what she is doing is very different from what her mom Maria Isabel Lopez did before.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/17/2012 11:13 PM
Mara Lopez talks about being compared to her mom Maria Isabel Lopez


111812-mara_main.jpgDalawa sa labintatlong pelikula sa Cinema One Originals ay kinabibilangan ni Mara Lopez, ang anak ng beteranang artista na si Maria Isabel Lopez. Ito ay ang Melodrama Negra at ang Palitan.

Marami ang hindi nakakaalam na nagsimula sa ABS-CBN si Mara sa pag-aartista nang mapabilang siya sa AngTV 2 at Star Circle Batch 13. Napabilang din siya sa variety show na ASAP at gumawa ng ilang mga teleserye. Sumali siya sa isang reality show kasama ang kanyang ina.

Tanggap naman ng dalaga na hindi kasiguruhan ang pagiging anak ng isang magaling at kilalang artista para sumikat sa industriya. Lahad ni Mara, “I am always competing with other people kasi alam mo naman everyday may nadidiscover na someone bago and a lot of people especially sa films, are very, very talented. I just have to sell myself on what makes me different as a person. Kahit naman na maraming artista we are still unique in our own different ways.”

Nagsalita din si Mara sa pagkumpara sa kanya at sa kanyang ina. Aniya, “I see it as an advantage and a disadvantage. Advantage in a way na ang screen name ko kasi is Mara Lopez.... Dati kasi anak ni Maria Isabel Lopez [ang tawag sa akin]. When we did the reality show na parang, ’Uy Mommy yan ni Mara.’  So advantage and disadvantage kasi she is my number one critic and I really look up to her. And ang dami ko nang natutunan sa kanya kasi si mommy more than two decades na sa industriya ‘di ba? Ao marami akong natutunan sa kanya not just on acting, but on how to project and to answer. I think I got my brains from her and my athletic side naman from my dad.”

Sa tanong na kung ano ang kakayanin niyang gawin para umangat sa mga kasabayan niya sa industriya, aniya, “With what I am doing now, I am willing to be different from the rest. I am willing to take on really challenging roles. For me Palitan is the most challenging role and hindi lang ito pagpapakita ng skin, ang bigat ng role talaga almost every scene kailangan akong umiyak, kailangan akong magalit, kailangan akong magblow-up. I think taking on these kinds of roles will open up roles for me and I want to be versatile. Ayoko na matypecast, katulad dati na typecast na ako sa pagiging kontrabida.

Ibinahagi din ni Mara na nakikita niya ang sarili niya na mananatili sa industriya nang mahabang panahon. “Well for my mom and me there is no business like show business. I am actually a La Salle graduate at ang Mom ko talaga ang unang finocus niya ay education kaya lang if it’s in your blood di mo talaga maalis. I really enjoy doing it I guess that I why I started at such a young age. My mom and I… we have a very close relationship and she is my manager but we encourage each other, we are each other’s critic.”

At dahil sa mapangahas na proyektong ito mula sa Cinema One marami ang nagtatanong kung sinusundan niya ang kanyang ina sa paggawa ng mga sexy roles. “For this movie ang daming nagsasabi if I am following her footsteps kasi di ba Palitan. When you see the trailer you’ll think it’s a sexy film but honestly it’s more of a thriller than sexy for me. I am not a sexy actress I am an actress period so if people ask if I am following my mom’s footsteps iba yung ginawa niya before.”

Kaya naman natanong ng Push kung sino sa mga kapamilya artista ang gusto niyang makatrabaho. “Paulo Avelino. I want to work with him kasi napanood ko yung teleserye niya and marami siyang pelikula at magaganda ang mga pelikula niya kaya I have always wanted to work with him. And Maja Salvador, I wanted to work with her kasi kasabay ko siya sa ASAP. Tapos si Erich Gonzales. Pero I want to work with a lot of people basta given the opportunity.”