Iwa Moto talks about her feud with Jodi Sta. Maria

Iwa Moto reaffirms her previous allegations against Jodi Sta. Maria and her alleged affair.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/15/2012 3:06 PM
Iwa Moto talks about her feud with Jodi Sta. Maria


111512-iwajodi_main.jpgKasama ang pelikula ni Iwa Moto na Aberya sa Cinema One Originals para sa taong ito. Sa press con ng nasabing digital film competition, kinamusta si Iwa tungkol sa kanyang relasyon kay Pampi Lacson, ang dating asawa ni Jodi Sta. Maria. “Personal life is very happy, satisfied and kuntento.

Masayang isinagot din ni Iwa na anim na buwan na ang kanilang relasyon at masayang-masaya ito sa piling ni Pampi. “We are okay, we are doing great. Six months.” Dagdag pa niya, “Definitely going strong. Ewan ko. Parang ito yung pinangarap ko. Parang ito yung fantasy ng isang babae na alam mo yung pagdadaanan mo lahat yung nagdadalaga ka. Yung ganun. Nakakatuwa kasi nararamdaman ko yun.”

Buong-buo din ang ngiti ni Iwa ng tanungin kung kamusta si Pampi bilang karelasyon. “Very loving person kasi siyempre may anak siya kaya kailangan i-manage niya yung time niya with work, with his son and me at yung family niya pa so nakakatuwa na namamanage niya ng maayos and okay kami.

At sa tanong na kung may plano na ba silang magpakasal, aniya “Malay niyo next year mag-announce ako. Chos! We treat each other—kami ni Pampi—ang trato namin sa isa’t isa hindi naman boyfriend-girlfriend na.” Mag-asawa na? “Parang ganun kasi inaalagaan ko yung anak niya.”

Kinamusta din ang relasyon niya kay Thirdy, ang anak nina Pampi at Jodi na madalas niyang ipost ang photos sa kanyang Instagram account. “Nung bago medyo siguro I don’t know, siguro may mga factor na nahirapan mag-adjust yung bata. Parang to the point na minsan magtatanong siya. Ako naman, parang I am not in the position to talk. ‘Ask mo na lang parents mo what happened.’ Ayoko na sa akin manggaling at so far naman okay siya ngayon. Nasa school siya ngayon ganun.

Kinumpirma din ni Iwa na “mommy” na rin ang tawag sa kanya ni Thirdy. Aniya, “Oo, kasi ako ang tumatayong mommy niya pag siya ay nasa daddy niya kasi separate yung custody e, one week, one week kaya every time na nandun siya sa dad niya naalagaan ko siya, nandun ako for him. Kaya niya siguro ako natawag na mommy kasi nakikita niya na I am taking care of him.”

At nang mapunta ang mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Jodi, kung nakapag-usap na ba sila, ang sagot ni Iwa, “No! Hindi rin naman siguro naming kailangan mag-usap. Sa akin naman kasi tapos na e, dalawa lang naman yung mangyayari diyan e. Either hindi na lang pag-usapan or okay. So so far, hindi na lang ngayon pinag-uusapan at magkalayo na rin kami ng mundo.”

Nagsalita din si Iwa tungkol sa hindi pag-imik ni Jodi sa isyung ito at naging matapang ang sagot niya tungkol rito. “There is a difference ng hindi pinatulan at sa natatakot magsalita.” Kaya naman nang tinanong siya ng isang reporter kung saan si Jodi sa dalawang kategoryang kanyang binanggit, “Hmmm. Ganito na lang, sa lahat ng mga sinasbi ko noon so far ngayon unti-unti nang lumalabas lahat e, ‘di ba? Like I said before, kung mapapanood niyo yung mga interview ko before, may mga sinabi ako dun at kung titignan niyo yung mga lumalabas ngayon about her lahat ng sinabi ko totoo.” At nang natanong kung ito ba ung tungkol sa napapabalitang relasyon nila Jodi at Jolo Revilla, matipid ngunit matapang ang kanyang sagot, “Yes!”

Nagsalita rin siya sa napapabalitang third party na sinasabing dahilan ng hiwalayan ni Pampi at ni Jodi. Pahayag ni Iwa tungkol rito, “Ganito na lang, Pampi’s family and I are okay. Pampi and I are okay. At saka nanay ng anak ni Pampi ang pinagsasalitaan ko. Do you really think na if I am not telling the truth, bakit hindi nagsasalita si Pampi? Bakit hindi niya ano? Kasi kahit bali-baligtarin mo ang mundo naging asawa niya yun e. Ina ng anak niya so pagtatanggol niya pa rin yun ng pagtatanggol hanggang kaya niya pero sabi naman niya sa akin e bakit niya ipagtatanggol ang isang taong hindi naman nagsasalita. And ako naman sabi niya sa akin e you are just telling your side and you are telling the truth so be it.”

At sa unti-unting paglabas ng isyu na may namamagitan kina Jodi Sta. Maria at Jolo, matapang din ang naging pahayag ni Iwa. “Good for her. Yun na lang yun e, common sense na lang ng mga tao yun e. Bakit siya nanahimik? Parang okay sige mukha akong nagger okay at siya mukha siyang mabait kasi hindi siya nagsasalita pero alam mo yun nasa kilos mo naman yun e. At alam mo naman lahat ng baho natin lalabas at lalabas naman yan e nagkataon lang na unti-unting lumalabas yung sa kanya.

Sinagot din ni Iwa ang sinasabi ng ilan na kaya siya nagsasalita laban sa kampo nina Jodi ay dahil ginagamit niya ito. Aniya, “Kasi ganito lang yun, ayoko magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao kasi kilala ko ang sarili ko and besides like what I said before hindi ako nandito para manira ng tao. When people answer me, I just answer them back and basically hindi naman na ako masyadong active, hindi ko rin naman hinahabol na maging sobrang active. Ang gusto ko lang maging continuous yung trabaho and I am very, very happy with my life right now so para saan na gamitin ko ‘di ba? Saka hindi ako yung klase ng tao na kailangan ko manira ng ibang tao para may mapuntahan ako kasi kilala ko yung sarili ko and I am not that kind of person.”

At sa estado ng buhay ngayon ni Iwa, isinaad niya kung saan siya masaya at kung saan siya sigurado sa aspeto ng buhay niya. “Definitely I am very sure about him (Pampi) at sigurado ako na hindi lang siya nagga-gago lang sa akin.”