• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban answers questions about her breakup with Derek Ramsay on her Twitter account

Angelica Panganiban answers questions about her breakup with Derek Ramsay on her Twitter account

Angelica Panganiban gave intriguing answers on her Twitter account about her breakup with Derek Ramsay.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/14/2012 9:57 AM
Angelica Panganiban answers questions about her breakup with Derek Ramsay on her Twitter account


111412-angelica_main.jpgSinasabing nagmula sa isang blind item kaya naghayag si Angelica Panganiban ng kanyang damdamin sa social media site na Twitter tungkol sa dating karelasyong si Derek Ramsay at sa kasalukuyang karelasyong si John Lloyd Cruz. Naging mapangahas ang ilan sa mga naging sagot ni Angelica sa mga tanong tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Derek. Sinimulan niya ito nang may nagbanggit sa kanyang Twitter account tungkol sa blind item diumano sa kanila ni John Lloyd.

Mula kay user @pajanimalmom, “@IamAngelicaP there is a blind item about u &jlc.” At ang sagot ni Angelica dito, “Ang galing nga eh :) mamaya lalabas ko ang tunay na kwento :)

At ilang minuto lang ang nakaraan nang sabihin niyang ilalabas niya ang “tunay na kwento,” tila isang panghahamon ang kanyang isinulat sa kanyang Twitter account. “Pwede nyo itanong sakin kahit ano.. Sasagutin ko. :) pagod na pagod na kong manahimik!!!! Game :)” Dagdag niya pa tungkol sa seryosong imbitasyong ito, “Mag papa schedule sana ko ng interview kay tito boy. Kaso nilalagnat ako. At baka busy sya. So kayo na lang mag interview sakin.”

Kaya naman nagsunod-sunod ang mga katanungan na ang ilan naman ay kanyang isinagot. Ang ilan sa ibang mga katanungan ay pinili niyang sa Linggo isiwalat kasabay ng kanyang nakatakdang live guesting sa The Buzz.

Ito naman ang nagging palitan ng mga tweets ni Angelica at ang kanyang mga followers. “@KaylaCuenca: @IamAngelicaP hmm..real reason why you & Derek had to part ways?” “@IamAngelicaP: Napagod na ko magtiis.”

“@ShowbizAddict: @IamAngelicaP Totoo bang kasal na si Derek at yun ang dahilan ng hiwalayan nyo?” “@IamAngelicaP: Pang the buzz to. sa sunday na yan!”

“@ishylyshy:@IamAngelicaP Nagkaroon ba ng ibang girls si Derek Ramsey while you were together?” “@IamAngelicaP: Sa sunday na din yan!

“@MitchLovesBGSM: @IamAngelicaP kumusta ang relationship with Derek nag usap na ba kayo after break up?” “@IamAngelicaP: Never.”

“@nasifmulok: @iamangelicap may communication pa rin ba kayo ngayon ni derek?” “@IamAngelicaP: Wala :) ayoko

“@itsmeaien: @iamangelicap third party po ba kung bakit kayo nag break ni derek?” “@IamAngelicaP: 6th party”

“@kayerlet: @IamAngelicaP si JL ba rason bat nag break kau ni derek?” “@IamAngelicaP: Malayo.”

“@IamHAZELQ: @IamAngelicaP I heard sa friend ko na your X often have girls on the side while kayo pa,is that true?” “@IamAngelicaP: Huh? talaga? #stupidme”

“@megmarc: @IamAngelicaP Ano ang pagkukulang mo sa relationship mo noon with Derek?” “@IamAngelicaP: Respeto sa sarili

“@IamAngelicaP ayaw daw ni Derek sa mga friends mong gays kaya kayo di nagkasundo?” “@IamAngelicaP: Yup.”

“@jowvee: @IamAngelicaP paano ka napagod sa kanya? ikaw ang nakipag break?” “@IamAngelicaP: Yup”

“@qwen825: @IamAngelicaP did u know from d start of ur relationship w/ derek dats he's already married?” “@IamAngelicaP: Save natin yan sa sunday!”

“@pepperpumba: @IamAngelicaP is it real that Derek is treating you like alalay, taga prepare of all his stuff.” “@IamAngelicaP: Ok naman yun dati.”

“@nazel19: @IamAngelicaP is it true ur x said nasty things to ur mum?” “@IamAngelicaP: No comment.”

“@imXavierR: @IamAngelicaP db may ex wife sya.. Naging issue ba talaga yun sa nyo?” “@IamAngelicaP: Ex?”

“@jaccruz19: @IamAngelicaP if ipa annul ni derek ung kasal nya and mkipag balikan sau, bibigyan mo ba ng chance?” “@IamAngelicaP: Haha! hindi :)”

Natanong din ang isyung “pang-aabot” at kumprontasyon diumano nila ng dating karelasyon ni John Lloyd na si Shaina Magdayao ayon sa sinasabing blind item tungkol sa kanilang dalawa.

“@ima_rockin_moma: @IamAngelicaP nabasa ko nga yung blind item, nag pang abot daw kau ni Shaina.” At pinagtanggol naman ni Angelica ang kapwa kasamahan sa Star Magic. “Never. desenteng tao si shaina.

Nagsaad din ng sama ng loob si Angel sa kontrobersiyang ito na kanya din sinulat sa kanyang Twitter account. “Halos mamatay na ko kakatrabaho.. Dudumihan nyo lang pangalan ko?

At sa kasiguruhang ang ginawa niyang ito ay lalabas sa lahat ng mga pahayagan at mababalita sa radyo at telebisyon, inaabangan at tanggap na rin naman ni Angel. Aniya, “Pupusta ko ang nakalagay sa headline sakinangelica, d maka move on’ or ‘angelica, bitter’ naks! #sanabukas haha!”

“@gel_lyn23: @IamAngelicaP korek headline yan bukas lalo na sa bulgar” “@IamAngelicaP: Yes! push sya ng push eh :) ang linis kasi nila. ang bait pa!

At ang kanyang mga panghuling isinulat na tila ang kanyang ibig sabihin ay nakarating na sa kabilang kampo. “Ayuuuun.... Nagsumbong na... Sumasagot lang naman ako ng mga tanong nyo diba? Lahat naman ng ito may warning noon pa :) ayaw nyong tumigil.

May panghuli ding naging mensahe si Angel sa kanyang Twitter account. “Sana napasaya ko kayo sa the buzz on a tuesday ko. :) 9months na ang nakalipas. Wag na kayong manira at makisakay. Nang hindi ako magsalita.

Nang huling tignan ng Push.com.ph ang Twitter account ni Derek, wala naman itong kahit anong sagot o anumang reaksiyon patungkol sa Tweet ng dating karelasyon.