• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Gerald Anderson say they have both matured in their personal lives

Kim Chiu and Gerald Anderson say they have both matured in their personal lives

The two admitted that shooting for '24/7 In Love' served as an ice-breaker for them to rekindle their friendship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/12/2012 11:52 AM
Kim Chiu and Gerald Anderson say they have both matured in their personal lives


111212-kimgerald_main.jpgMuli ay magkakasama sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa upcoming Star Cinema movie na 24/7 In Love. Two years ago nang huli silang magkasama sa pelikula. Marami na ang naganap sa personal nilang buhay at nakatutuwa na ang dating romantic real-life couple ay muling nagkasama sa silver screen. 
Sa The Buzz kahapon ay inilarawan nila ang mga pagbabago sa kanila mula noong una silang nagkasama. 

Ani Gerald, kung noon ay madali niyang mapatawa si Kim sa kanyang jokes, ngayon ay hindi na. “Kahit sobrang mababaw ‘yung joke tumatawa siya (dati). Ngayon siguro nakikita ko sa kanya mas matured na, andami niyang ginagawa na di niya ginagawa dati,” paglalarawan ni Gerald. 

Malaki na rin daw ang pagbabagong nakita ni Kim kay Gerald. “Si Gerald dati kung ano’ng gusto niya gagawin niya. Ngayon din naman pero mas alam niya ‘yung ginagawa niya, dati kasi enjoy, happy-go-lucky,” sabi ng aktres. 
On a physical level ay maganda ang sinabi ni Gerald about Kim. “Para sa akin mas blooming siya ngayon, mas maganda. Siguro nahanap na niya ngayon kung sino siya talaga.” 

Ang patawang paglalarawan naman ni Kim kay Gerald, “Si Gerald noon bata pa po siya, ngayon mama na siya, meron na siyang mga bigote, meron na siyang mga muskels (muscles).”  

Naging safe naman si Gerald sa tanong ni Boy Abunda kung naniniwala ba sila sa kasabihang love is lovelier the second time around. Ani Gerald, hindi pa raw niya ito nasusubukan pero narinig daw niya na totoo ito. 

Nang sundan ito ng tanong ni Boy kung gusto ba niya itong maranasan, tugon ni Gerald, “Hindi po natin alam.” 

Ganundin ang sagot ni Kim at kahit daw sa mga kaibigan niya ay wala pa siyang alam na may nangyaring ganito.  

Samantala, malaking tulong daw sa dalawa na muling magkalapit at mas maging komportable sa isa’t isa matapos ang kanilang “breakup” dahil sa pelikula nila. “Ang laking tulong po ng nag-shooting ng 24/7 In Love. Siyempre bago kami mag-start siguro kinakabahan, nagwo-worry kung meron pa rin kaming chemistry,” pag-amin ni Gerald. “Kung makapagtrabaho kami nang maayos, sobrang ganda po nung nangyari.” 

Sinabi naman ni Kim na nagkikita raw sila lagi sa ASAP subalit hindi naman sila nagkakausap. Malaking tulong daw na sa pelikula ay puro montage ang kanilang mga shots on the first day kaya nanariwa sa kanila ang kanilang ginagawa noong mga unang years nila sa showbiz. “Parang nagbalik Your Song at Love Spell na kaming dalawa,” ani Kim. 

Ipapalabas na ang pelikulang 24/7 In Love sa November 21 sa mga sinehan nationwide.