• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee shrugs off allegations that he and Julia Montes are not on good terms

Enchong Dee shrugs off allegations that he and Julia Montes are not on good terms

The actor says Julia even organized a birthday celebration for him just recently.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/12/2012 1:11 AM
Enchong Dee shrugs off allegations that he and Julia Montes are not on good terms


111212-enchong_main.jpgNag-react si Enchong Dee sa isyung hiwalay na sila ng napapabalitang girlfriend niya na si Julia Montes. Sa The Buzz kahapon ay ipinalabas ang interview sa aktor at itinanong sa kanya kung may katotohanan ba ang diumano’y paghihiwalay nila ni Julia. “Naku ayan na naman sila, ayan na naman sila, pero ano… siguro mabuti huwag na lang sagutin, kasi every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinapaniwalaan ang sagot ko, so ‘yun na lang,” paiwas niyang tanong. 

Sa katunayan pa nga ay nag-organize pa ng isang birthday surprise si Julia for Enchong sa katatapos na Star Magic Tour nila sa ibang bansa. “Meron talaga kaming show sa LA (Los Angeles) tapos after ng show namin meron kasi akong ibibigay na regalo dun sa producer namin kasi nga may nagpaabot,” kuwento ni Enchong. “Pagbukas ko ng pinto I didn’t know na ‘yun pala ang kwarto niya (Julia). Pagpasok ko, andun na silang lahat and she’s the one who organized it.” 

Matatandaang na-link sina Enchong at Julia this year subalit sa mga interviews nila ay sinasabi nila consistently na wala pa silang relasyon. Between the two, si Enchong ang mas vocal sa pagpapahayag ng pagtatangi niya sa dalaga. 

Since 17-anyos pa lang si Julia, laging sinasabi ng aktres na wala pa siya sa right age na magkaroon ng relasyon at malalaman niya kung ready na siyang magkarelasyon pagtuntong niya ng 18 years old.  Sabi din ng dalaga na sana makapaghintay si Enchong sa pagsapit ng oras na ito. 

Julia will be turning 18 next year on March 19.