• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual wishes and prays for KC Concepcion's happiness in her love life

Piolo Pascual wishes and prays for KC Concepcion's happiness in her love life

Piolo Pascual says that he wants his next girlfriend to be non-showbiz.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/9/2012 5:06 PM
Piolo Pascual wishes and prays for KC Concepcion's happiness in her love life


100912-piolo_main.jpgTanging magandang bagay lang ang wish at dalangin ni Piolo Pascual para sa dati nitong girlfriend na si KC Concepcion na ngayon ay nililigawan ng isang French filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart.

Sa isang recent press conference ay kinunan ng reaksyon ang aktor hinggil sa pagkaka-link ni KC sa foreign filmmaker. “I’ve always wished her well. Wala naman problema sa akin. I wish her happiness and pray for her happiness. Basta masaya siya, masaya rin ako,” ani Piolo sa SunPIOLOgy Run at Star Magic Gives Back Concert press conference na magaganap sa November 24 sa Venice Piazza Mall, McKinley Hill.

Inamin din ni Piolo na pinangakuan niya ang kanyang anak na si Iñigo na hindi na muna siya magkakaroon ng relasyon. “Saka na ‘yon. I promised my son pag 18 (years old) na siya. So three more years to go, I will keep the promise.”

Nang sundutin ito ng tanong kung na-trauma ba siya sa nangyari sa kanila ni KC ang kanyang tugon, “Ayoko na muna ng showbiz. Ayoko sana. Masaya na ako sa ngayon. When the time comes na gusto ko [na ng relasyon] sana hindi showbiz.”

Nagkuwento rin ang aktor hinggil sa muling pagkikita nila ni Judy Ann Santos sa isang event ng ABS-CBN last week. “Nagbigay-pugay lang ako kay Juday. When I saw the lineup and I saw Juday [on the list] there, sabi ko gusto kong bumati. So nakita ko siya. Unfortunately may lumabas na camera agad so nahiya rin ako,” ani Piolo. Dagdag pa niya na-interview na siya noong nakaraang araw at tinanong siya kung bati na ba sila ng dati niyang leading lady. “Hindi naman kami magkaaway ni Juday. We’ve settled the issue with Ryan (Agoncillo) and Juday a long time ago. Wala namang problema with Juday, okay naman.”

Bukas din daw siya sa posibilidad na muli silang magkatrabaho ng dating leading lady. “I’ve always been open and Juday knows that. Naghihintay lang naman ako. Sobra akong komportable kay Juday and I’m praying and wishing for that na magkasama ulit kami kasi ang laki ng naitulong sa akin ni Juday eh, ‘yung career ko. I have open doors on a partnership with her. Gusto kong maka-partner siya ulit because sa laki ng naitulong niya sa akin siya ang gusto kong makasama,” paliwanag ng aktor.