Film director Marilou Diaz-Abaya passes away

The famed film director succumbed to her battle with breast cancer at the age of 57.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/9/2012 5:04 PM
Film director Marilou Diaz-Abaya passes away


100912-marilou_main.jpgPumanaw na ang batikang direktor na si Marilou Diaz-Abaya nitong Lunes ng gabi.

Si Abaya, 57, ay ilang taon ding nakipaglaban sa breast cancer bago ito namatay sa Saint Luke's Medical Center sa Taguig.

Si Abaya na kilala bilang isa sa pinakamagaling na babaeng direktor ng bansa ang gumawa ng mga pelikulang "Brutal," "Karnal," at "Baby Tsina."

Kilala din siya sa mga pelikulang "Muro-Ami," "Bagong Buwan"  at "Jose Rizal" kung saan din higit na nakilala ang aktor na si Cesar Montano.

Una niyang naging pelikula ang "Tanikala" noong 1980. 

Dahil sa pag-ibig niya sa paggawa ng pelikula itinatag niya ang Marilou Diaz-Abaya Film Institute and Arts Center sa Antipolo.

Matatandaang ang huli niyang pelikula ay "Ikaw Ang Pag-Ibig" na inialay niya sa Ina ng Peñafrancia.

Si Abaya ang ina ng actor-singer na si Marc Abaya. Sa Twitter, nag-post ng larawan si Marc kasama ang kanyang ina, dalawang araw bago ito namatay.

100912-marc_main.jpg