• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim on real score with Kim Chiu: 'We don't need a label'

Xian Lim on real score with Kim Chiu: 'We don't need a label'

The actor says he and Kim are special friends.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/8/2012 12:09 AM
Xian Lim on real score with Kim Chiu: 'We don't need a label'


100812-kimxi-main.jpgSa The Buzz kahapon ay naging guest ang sikat na love-team na sina Kim Chiu at Xian Lim. At ani Xian, malayo na raw ang nararating ng kanilang pagkakaibigan. “Nag-evolve from friends to special friends,” simula ni Xian. “Syempre nakikilala namin ang isat-isa, eh and mas comfortable, mas okay na kami magkatrabaho. Hindi katulad ng dati na naiilang kami dati.” 

Sa sobrang close nga raw nila ay minsan ay nababasa na ni Xian ang iniisip ni Kim. Gayundin naman si Kim na sinabing alam na niya kapag wala sa mood ang kanyang leading man. “Nakikilala ko lalo si Xian ngayon at ngayon kilala ko na ‘yung ugali niya, pag wala siya sa mood, tahimik lang siya tapos dun lang siya sa sulok. Moody kasi siya at kind of sensitive.”  

Dahil sa lumalalim na relasyon ng dalawa, lagi silang tinatanong kung ano na ba ang real score sa kanila. Hindi man direktang sinagot ang tanong malinaw ang paliwanag ni Xian. “Sa tagal din naming magkatrabaho, nakikita ko rin sa kanya na mahal niya sobra ang trabaho niya,” ani Xian tungkol kay Kim. “At ayaw niya ng anything to get in the way. Sabi nga niya sa mga interviews niya maku-complicate ang lahat pag bibilisan or mamadaliin.” 

Nagkausap na raw sila ni Xian tungkol dito, ani Kim. “Ang maganda naman kay Xian understanding siyang tao. Ang nakikita ko naman sa kanya ang sincerity niya. Sana hindi siya mapagod or hindi lang siya for ngayon lang ito.” 

Dagdag pa ni Xian, hindi raw nila kailangang bigyang ng label kung anuman meron sila. “We don’t put a label. Walang label, walang pwedeng sabihin (when it comes to) getting the real score. Hindi naman kasi maganda ‘yun eh. Maganda ‘yung masaya lang kayo sa buhay. Ini-enjoy n’yo everyday.”