• Home
  • Fresh Scoops
  • Sen. Chiz Escudero talks about 'relationship' with Heart Evangelista

Sen. Chiz Escudero talks about 'relationship' with Heart Evangelista

The politician describes what makes his 'relationship' with the actress special.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/7/2012 11:49 PM
Sen. Chiz Escudero talks about 'relationship' with Heart Evangelista


100812-chiz-main.jpg“I would like to think so, yes.” Ito ang marahil ang mahalagang quote noong nagdaang linggo dahil ito ang pag-amin ni Sen. Chiz Escudero sa tunay na estado ng relasyon nila ni Heart Evangelista. Ang pag-aming ito ay nangyari noong October 5, 2012 sa Friday episode ng Kris TV kung saan guest co-host ni Kris Aquino ang senador. Iyon din ang last episode ni Sen. Chiz sa nasabing morning show. 

Sa tanong ni Kris na since ayaw ng senador ng mga monthsary, ibig daw bang sabihin nito ay umaasa siyang umabot sila sa anniversary, ang sagot ng senador, “Sana.” 
Dagdag pa ng senador, “We’re seeing each other. As far as I know she’s not seeing anyone else and neither am I.” 

Sa episode sa The Buzz kahapon ay inere ang nasabing interview kay Sen. Chiz at sinabi niya kung bakit naging espesyal sa kanya ang pagdating ni Heart. “Hindi ako naghanap, di ko hinanap, dumating lang. Kasi may kasabihan sila (na kapag) lalo mong hinahanap, lalo mong hindi makikita at hihintayin mong maging handa ka. Pag dumating, dumating na lang. ‘Yung hindi inaasahan minsan ‘yun pa ang pinakamaayos at maganda.” 

Pareho rin daw may effort sa kanilang dalawa ni Heart. 

Marami raw positibong naidulot sa kanya si Heart dahil ibang mundo ang ginagalawan ng aktres. “Walang kinalaman sa pinanggalingan ko, sa mundo kong ginagawalan. That’s very refreshing,” paliwanag ni Sen. Chiz. 

Aniya pa, sa kanilang dalawa raw ay hindi na mahalaga ang nakaraan ng isa’t isa. “Lahat maganda, ‘yung bago, walang kinalaman sa nakaraan mo at wala ka ring kinalaman sa nakaraan niya. Walang kinalaman ang mundo niya sa mundo ko.” Sa tuwing nagkikita raw sila ay tila sanctuary niya ito. 

Sa kanyang Twitter account naman sinabi ni Heart, “Masaya at natutuwa ako na di pala ako ang klase ng tao na mahirap mahalin and at the same time we’re getting to know each other more.”