• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos reveals that she and Piolo Pascual 'still see each other'

Judy Ann Santos reveals that she and Piolo Pascual 'still see each other'

The actress relates that she and former leading man Piolo Pascual are in good terms.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/8/2012 12:27 AM
Judy Ann Santos reveals that she and Piolo Pascual 'still see each other'


100812-judai-main.jpgNoong nakaraang linggo ay ginanap ang trade launch ng ABS-CBN sa Bonifacio Global City, Taguig, kung saan ipinakita sa mga advertisers ang mga upcoming shows ng Kapamilya network. At sa bihirang pagkakataon ay nakunan sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na nagkita at nagkabatian. Matatandaan na nagkaroon ng isyu ang dalawa a few years ago at matagal na hindi nag-usap. Gayunpaman, ang kanilang team-up ay ikinokonsiderang one of the iconic team-ups of local showbiz. 

Paglilinaw ng Teleserye Queen, hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Piolo. “Palagi kaming nagkakasama niyan. Hindi lang napapansin ng kamera but we see each other,” anang aktres. “Kung ano man ‘yung noon, ayos na ‘yon, hindi lang nakikita ng mga tao na nag-uusap kami, but we’re okay, we’re still okay.” 

Sa hiwalay na interview ng The Buzz team ay kinumpirma naman ito ng aktor. “Oo naman, hindi naman ‘yun mawawala, hindi ‘yan maaalis kahit kelan. We belong to one family, so okay lang.”  

Siyempre ang malaking tanong ay kung may posibilidad ba sila na muling magsama sa teleserye o pelikula. Ani Piolo, “’Pag pumayag siya, andito lang ako.” Halos pareho sila ng sagot ni Judy Ann na nagsabing, “Kung meron di ba? Mapag-uusapan naman. Ako and Piolo, we’re friends naman.”