• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz and Bea Alonzo say it's too early to claim the Box-Office King and Queen titles

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo say it's too early to claim the Box-Office King and Queen titles

The onscreen couple is grateful for the success of their latest movie.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/8/2012 12:01 AM
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo say it's too early to claim the Box-Office King and Queen titles


100812-jlcbea-main.jpgSa malaking tagumpay ng The Mistress, marami ang naniniwala na posibleng masungkit nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang Box Office King at Box Office Queen ng kasalukuyang taon. Gayunpaman, hindi naman nagpapakakampante ang dalawa at sinabi nilang masyado pang maaga para i-claim na ang mga titulo. “Sana (nga), I’m wishing na magkatotoo ‘yan, pero it’s too early to tell eh. Kasi hindi pa tapos ang taon, mga tatlong buwan pa (bago matapos ang taon) so… sana… gusto ko sanang mangyari. I wish pero mahirap i-claim ‘yan right now,” paliwanag ni Bea.

Ganito rin ang itinakbo ng sagot ni John Lloyd na ilang beses na ring naging Box-Office King. “Let’s just wait and see. Mahaba pa ang itatakbo ng (taon). May ilang buwan pa. Marami pang (oras). Tsaka iba na ngayon ang ruling, eh. So parang di ko alam ngayon. Matindi ang kompetisyon,” ani John Lloyd. Pero bukod sa muling pagsungkit ng titulo, masaya na raw siya at maayos ang itinatakbo ngayon ng local movies.“Buhay na buhay ang market, buhay na buhay ang industriya, ‘yun lang okay na ako do’n,” aniya.

On a personal note naman, tila masaya ang dalawa sa kani-kanilang buhay pag-ibig: si Bea kay Zanjoe Marudo at si John Lloyd kay Angelica Panganiban. Paglalarawan ni Bea kay Zanjoe, napaka-proud nito sa kanya at sa tagumpay ng kanyang pelikula. Sinabi rin ni Zanjoe na fan daw siya ng John Lloyd-Bea Love-team.

Medyo matipid naman ang mga tugon ni John Lloyd nang matanong siya tungkol sa kanila ni Angelica. “Okay naman po kami,” sagot niya nang kamustahin ng isang reporter ang relasyon nila ng aktres. “Di ba ako mukhang inspired and happy?” Dagdag pa niya, pinaninindigan niya ang tinuran niyang 'he’s never been this happy.' Totoo raw iyon at wala siyang idini-deny.