Kaya naman pinagtutuunan muna ni Sam ngayon ang kanyang dalawang pelikula: isang indie film at ang Star Magic movie kung saan makakatambal niya si Pokwang. “Nag-last day na kami. Nakakatawa yung istorya sa amin ni Pokwang.” At isa sa mga inaabangang eksena nga dito ay ang kanilang bath tub scene ngunit ayon kay Sam, “Hindi lang basta bath tub scene, madami. First time din ni Pokwang so basta abangan niyo.”
At nang kamustahin ng Push ang Teleserye Queen sa patuloy pa ring shoot ng kanilang drama, “Actually masaya kami sa set, kalmado lang very relaxed.” Ipinahayag niya din ang kanyang saloobin tungkol sa pagkakaurong sa ere ng kanilang programa. “Ako naappreciate ko na very honest yung management na hindi kakayanin i-show yung soap ng October. Ako rin naman, yung opinyon ko din naman, ayoko din naman mag-tape ng for airing kasi ‘di mo maseseryoso yung trabaho kasi lagi kang ngarag sa pag-arte, tapos hindi ka pwede mag-take two, mag-take three kasi for airing nga siya.”
Nagsalita rin si Juday sa mga naranasan niya dati na kung maari ay hindi na maulit muli. “Ayoko kasi yung wala akong choice, hindi naman ako sa nagmamaldita noh pero ang tagal ko kasing ‘di umarte sa telebisyon kaya gusto ko pag lumabas yung soap na ginagawa namin, yung dekalidad yung ipapakita namin para worth naman yung paghihintay ng mga tao.”
Para kay Judy Ann, tama na rin ang naging desisyun na ito ng management. “Mas gusto ko na binigyan nila ako ng time manamnamn itong teleserye na ito. Atsaka-ibang iba kasi yung istorya, ibang-iba yung character, at saka very physically demanding din siya. Ang daming paghahandang gagawin. Ayoko naman na ilabas siyang half-baked kasi hindi siya napag-tuunan ng pansin dahil hinahabol mo yung airtime mo so okay na rin ako.”