• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen still feels nervous every time she has a new project

Janice de Belen still feels nervous every time she has a new project

Janice de Belen says that she uses nervousness to excel in her acting performances.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/6/2012 8:52 PM
Janice de Belen still feels nervous every time she has a new project


100712-janice-main.jpgMagsisimula na ang Ina, Kapatid, Anak sa Lunes, Oktubre 8 sa primetime bida ng ABS-CBN at aminado si Janice de Belen na kahit matagal na siya sa industriya ay nakakaramdam pa rin siya ng nerbyos sa tuwing may bagong proyekto siyang ginagawa.

Alam mo, kahit matagal ko na itong ginagawa, ninenerbyos pa rin ako all the time that I start something new or do something new,” kuwento ng seasoned actress sa isang recent interview. Aniya, nakakaramdam raw siya ng ganito partikular na sa simula ng proyekto.

Gayunpaman, tinitingnan niya ito na positibo lalo na sa larangan ng kanyang trabaho. “Ako mismo nagpe-pressure sa sarili ko kasi you’re only as good as your last job, so [you should] always have to make sure that your performance is better than the last one. Siyempre nakaka-pressure ng slight ‘yon because they expect a lot from me.”

Samantala, very proud ang aktres sa anak nila ni Aga Muhlach na si Luigi, who is now coming up with his own show on another TV network. “Proud naman ako sa kanya. Lahat naman ng tao nagtsi-change, nagtu-turn around. I guess nag-mature na talaga siya.” Dalawa na ang apo ni Janice kay Luigi.

May account sa social networking site si Janice at kinunan siya ng opinion hinggil sa kontrobersyal na isinusulong na Cyber Crime Law. “Actually para sa mga artista advantage [ito lalo na kung marami] ‘yung mga nagba-bash sa ‘yo. Di ka na pwedeng i-bash pero on the other hand, ang Cyber Crime Law medyo teka, parang masyadong mabigat,” pahayag ng aktres.