• Home
  • Fresh Scoops
  • Sen. Chiz Escudero finally admits romance with Heart Evangelista

Sen. Chiz Escudero finally admits romance with Heart Evangelista

The politician admits Heart is his girlfriend on his last day as Kris Aquino's co-host in KrisTV.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/5/2012 1:39 PM
Sen. Chiz Escudero finally admits romance with Heart Evangelista


100512-chiz_main.jpgNatuldukan na sa wakas ang isyung nag-uugnay sa senador na si Francis "Chiz" Escudero at sa aktres na si Heart Evangelista. 
 
Sa huling araw ng pagiging guest co-host nito sa "KrisTV" nitong Biyernes, inamin na ng senador na may relasyon sila ni Heart.

"I would like to think so, yes," sagot ng senador nang tanungin siya ni Kris Aquino, host ng "KrisTV" kung totoo bang nobya na niya ang aktres.

Sa taped interview naman ng show kay Heart, inamin nitong ang senador ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

"Yes, he makes me laugh," ani Heart.

Matatandaang ilang buwan nang napapabalitang nagkikita ang senador at ang aktres na huling na-link sa Brazilian model-actor na si Daniel Matsunaga.

Annulled naman ang kasal ng senador sa dati nitong asawa na si Tintin Flores, ina nang kanyang dalawang anak.