• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto feels overwhelmed by the success of 'Princess and I'

Gretchen Barretto feels overwhelmed by the success of 'Princess and I'

Gretchen Baretto is grateful to the cast and crew of 'Princess and I' for putting all the hard work to make the show a success.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/6/2012 12:30 AM
Gretchen Barretto feels overwhelmed by the success of 'Princess and I'


100612-gretchen_main.jpgSa kagaganap na trade launch sa mga bagong programang aabangan sa ABS-CBN, dumalo para sa bagong yugto ng Princess and I si Gretchen Barretto. Nang tanungin ng PUSH kung anong naramdaman niya na napakalakas ng palakpakan ng mga advertisers nang lahat ng cast ay sumampa sa entablado, aniya, “Nakakaoverwhelm, three days na kami na nagta-taping na puro nagkakasakit na at nagpupuyat-puyat na. Advanced taping na pero nung dumating kami dito ang sarap lang talaga ng feeling okay, number one tayo sana mapagpatuloy namin.”

Nagpapasalamat din si La Greta sa mainit na suportang kanilang natatanggap, “Unang-una maraming salamat sa mga sumusubaybay sa Princess and I dahil for the last four weeks consistlently number one po at dahil po yun sa inyo. Marami pang mga kwento na gugustuhin niyo kaya abanagan niyo ang Princess and I gabi-gabi.”

Sa Diyos at sa mga bumubuo ng programa ipinapaabot ni Gretchen ang kanyang pasasalamat sa pagiging number one ng Princess and I. “To God be all the glory dahil talagang nahirapan din talaga kami in the beginning. So sa mga creative team, sa staff and crew, sa mga art directors namin, talagang pinapasalamatan ko dahil hindi magaggawa ng isang tao kung di ng buong team talaga so small victory a little at a time. That’s very nice.”

Ano naman ang balak ni La Greta ireward sa kanyang sarili para sa kanyang hard work? “Ang reward ko siguro to myself is just to stay home and be with my Dominique and my Tony I think that is my greatest reward kasi homesick na homesick na talaga ako. Gusto ko na lang talaga manatili sa bahay kahit ilang oras at matulog ng mahimbing.”

Kinumpirma din ni Gretchen na extended ang airing ng teleserye. “Extended kami hanggang next year. To God be all the glory.”