• Home
  • Fresh Scoops
  • Slater Young is still in disbelief about working with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

Slater Young is still in disbelief about working with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

Slater Young says he has witnessed how devoted his co-stars are to their craft.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/1/2012 7:43 AM
Slater Young is still in disbelief about working with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo


110112-slater_main.jpgNinenerbyos at excited at the same time si Slater Young sa kasisimula pa lang ng teleseryeng A Beautiful Affair dahil ito ang kanyang first-ever teleserye at masasabing major project niya at the moment. “I’m nervous din on how the public would perceive me. This is my first time acting so I’m still getting used to it bilang mabigat ‘yung role ko and sila lahat magagaling na actors,” ani Slater na ang tinutukoy ay ang co-stars niyang sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at John Estrada. Ginagampanan ni Slater ang role ni Harry na pinsan ng karakter ni Bea.

Pag-amin pa ni Slater, hindi niya inasahan na isang malaking role agad ang ibibigay sa kanya para sa kanyang kauna-unahang teleserye. “I was expecting I was going to be given na role na pa-cute-cute lang, goody-goody lang. ‘Yung role ko kasi marami siyang mga conflict. Maganda na training and ‘yung cast naman they are very helpful sina Bea, John Lloyd, John Estrada,” kuwento niya.

Sobra nga raw ang pasasalamat niya na hindi lang maunawain kundi matulungin pa ang kanyang mga co-stars para sa baguhang kagaya niya. “Tinutulungan din ako nina Direk (Katski Flores). They’re very patient with me. Alam naman nila na baguhan ako. They take time talaga na, ‘Ganito ang gawin mo ha.’ Pati si John Estrada, ‘Okay lang ‘yon.’ Kasi I keep on forgetting my lines, kasi pag sinabing action diretso nerbyos ako. Sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. As you get along you’ll get comfortable.’”

Aminado rin ang Pinoy Big Brother Unlimited Big Winner na fan siya ng tambalang John Lloyd-Bea, kaya di siya makapaniwala na katrabaho na niya ngayon ang paborito niyang love team. Very grateful si Slater na first hand niyang nakikita kung paano magtrabaho ang mga mahuhusay na artista at nakikita niya kung gaano sila kaseryoso at ka-devoted sa kanilang propesyon.

Umaasa naman ni Slater na magtatagal siya sa industriya dahil natututunan na niya itong ma-enjoy. “Sobrang masaya ako sa ginagawa ko ngayon. I enjoy acting. I love it. Parang gustong-gusto kong matutunan ang acting,” aniya.