• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado reveals she receives mixed reactions to 'Kahit Puso'y Masugatan'

Iza Calzado reveals she receives mixed reactions to 'Kahit Puso'y Masugatan'

Iza Calzado says that even if her drama receives mixed reviews, she's glad it's been extended until next year.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/30/2012 9:09 AM
Iza Calzado reveals she receives mixed reactions to 'Kahit Puso'y Masugatan'


103012-iza_main.jpgSa panyaman ng Push.com.ph kay Iza Calzado sa pagbubukas ng bagong KTV business ni Karylle, isang very proud na kaibigan ang humarap sa Push na all-out ang suporta kay Karylle na nag-host ng mini show sa nasabing opening. Aniya, “Hindi naman ako pwede humindi sa aking pinsan na si Karylle. You know she does so many things for other people and when she asks a favor, she asks you to do something, you are more willing to do anything.”

Nang matanong ng Push kung paano niya ilalarawan ang pagkakaibigan nila ng pinsang si Karylle na nagkakilala na lang nang pareho silang pumasok sa showbiz, ang nakangiting sagot ni Iza, “Well it’s the type of friendship that even if we don’t see often enough… Kasi you know we both have busy schedules, sometimes we try but we just don’t make it but we are always there for each other, we update each other.”

Sabi pa ni Iza mas napalalim ang friendship nilang dalawa dahil sa mga heartaches at heartbreaks na kanilang nasaksihan sa isa’t isa, “Lalo na pag may heartaches, heartbreaks lagi kaming nandiyan sa isa’t isa. It’s a good kind of relationship because we support each other and I am just so thankful that I have a friend like her, kind-hearted, generous at alam mo pag may time, give ng gifts. She is always so supportive and happy for me.”

Kinamusta na rin ng Push ang isa sa pinagkakaabalahan ni Iza, ang extension ng kanilang teleserye na Kahit Puso’y Masugatan. Sa medyo kontrobersiyal na takbo ng istorya, inamin naman ni Iza na may mga natatanggap siyang pagtututol sa mga nangyayari. “It is very understandable, it is a very sensitive situation that is why it is on that timeslot, but despite the late timeslot of our show it seems to be doing well and we have gotten so much feedback from viewers at gusto ko lang pasalamatan lahat ng nagpupuyat at nagmamahal sa show namin na Kahit Puso’y Masugatan. Buong puso kaming nagpapasalamat at dahil sa inyo masayang-masaya ang mga tao ngayong pasko.”

Kaya naman natanong ng Push si Iza dahil sa pagiging sensitibo ng paksa ng kanilang serye, kung kumnportable ba siya sa karakter na kanyang ginagampanan. “I have done more uncomfortable things in my career, it’s nothing. And it’s a good show at si Direk Wenn (Deramas) sobra siyang tutok dun sa show, sobra niyang love and everybody else. From the head of the show hanggang sa creative team namin, on top of everything, kaming mga actors din, yung mga staff at natutuwa lang kami na natutuwa yung audience.”

At sa nalalapit na araw ng paggunita para sa mga namayapa nating mga mahal sa buhay, inamin ni Iza na isa sa mga pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay ay ang pagkamatay ng kaniyang magulang. “Just realizing one day that they are not there. Kasi it’s not like everyday, you know e but sometimes it hits you hard na oo nga, wala na sila.

Sa parehong pagkawala ng kanyang magulang, magkaibang sakit at pighati ang kanyang naramdaman. “Different kinds of pain, different stages in my life, different relationships, different situations.”