Erich Gonzales opens up about dating a non-showbiz guy

Erich Gonzales says that dating a non-showbiz guy is quieter and better for her.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/3/2012 9:36 AM
Erich Gonzales opens up about dating a non-showbiz guy


100312-erich_main.jpgIsang excited at masayang Erich Gonzales ang humarap sa ilang mga miyembro ng media at bloggers para sa pelikula nila ng Thai Superstar na si Mario Maurer na Suddenly Its Magic. Ayon kay Erich, “Right now sobrang pressured, kinakabahan but at the same time masaya po dahil finally po yung pinaghirapan namin mapapanood na natin sa big screen ngayong October 31.”

Ang pinakamalaking challenge para kay Erich sa paggawa ng pelikula ito ay ang mga malalayong location shoots. “Nag-shoot kami sa Ilocos for about three weeks and we stayed sa Thailand din for two-three weeks siguro. Pinakachallenge siguro is nasa ibang lugar ka and first time lahat… Pero yung experience sa kabuuan sobrang masaya talaga. It was a fun shoot at sobrang masaya lahat.

Nagkaroon din ng pagkakataon na maka-usap ng mga nasa okasyong iyon si Mario Maurer through Skype. Kapansin-pansin na kumportable na sila Erich at Mario sa isa’t isa. Nang matanong si Erich tungkol sa closeness nila ni Mario, “Working with Mario like what I said napakagaan kumbaga sobrang professional niya rin. Pagdating niya sa set he is ready. Alam niya ang gagawin niya and off-cam naman he is very playful, naughty siya, prankster siya, napaka-cool niya and agad-agad nagkasundo kami wala nang hi, ganun-ganun yung totoo lang.”

Ngayon ngang ipapalabas hindi lang sa Pilipinas kung ‘di pati sa ibang bansa na tulad ng Malaysia and Thailand ang kanilang pelikula ni Mario, natanong ng Push.com.ph si Erich kung handa na rin ba siya sa isang international career. “Siguro po ngayon talaga ang nasa isip ko sobrang pasaslamat lang po talaga with everything and with this kind of project na binigay sa akin at pinagkatiwala sa akin. Of course nandun yung pressure, nandun lahat ng kaba pero sobra yung paniniwala ko sa project na ito na like what I said ang gandang story, napakagandang pelikula. Lahat ng tao makakarelate talaga, diniscuss dito sa pelikulang ito ang lahat ng aspects and factors pagdating sa love and posible pala na umibig ang isang sikat na celebrity sa isang ordinaryong tao.

At nang mapunta na sa lagay ng buhay pag-ibig ni Erich ang usapan, naging bukas naman ang dalaga sa pag-amin na meron siyang dine-date ngayon. Aniya, “Hindi naman ako nagdedeny na sinasabi kong may special someone sa mga past interviews ko before and I am dating a non-showbiz guy over a year na and nasa right age naman na ako. He is non-showbiz pero naiintindihan niya yung work ko and he is very supportive yun na po muna mashashare ko bilang respeto na rin po sa family niya, sa kanya kasi hindi naman po sila sanay sa ganito.”

Natanong din si Erich kung bakit niya napiling makipag-date sa isang lalaking non-showbiz at ang matipid na sagot ng dalaga, “Mas okay, mas tahimik and it just happened, yun.”

Inamin ni Erich na halos isang taon na rin silang nagda-date ng non-showbiz guy na ayaw niyang pangalanan. “Basta! I am very happy, he is very special to me basta yun lang po muna mashashare ko.”