• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay on working with Angelica, John Lloyd: 'Most definitely'

Derek Ramsay on working with Angelica, John Lloyd: 'Most definitely'

The actor denies dating Jessy Mendiola.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/3/2012 5:13 PM
Derek Ramsay on working with Angelica, John Lloyd: 'Most definitely'


100312-derek-main.jpgWalang nakikitang masama ang aktor na si Derek Ramsay kung sakaling makatrabaho niya ang dating kasintahan na si Angelica Panganiban at ang rumored boyfriend nito ngayon na si John Lloyd Cruz.
 
Pag-amin ni Derek, mas madali ng makatrabaho si Angelica lalo't wala na silang relasyon.  Karangalan naman niyang maituturing na makatrabaho si John Lloyd.

"I was asked if I'd be willing to shoot with Angel (Panganiban) or John Lloyd, I said most definitely. Si Angel, siguro mas madali na maka-eksena kasi hindi ko na siya girlfriend. Kasi mas mahirap noong nagshoo-shoot kami noon ng 'I Love You Goodbye,' she was my girlfriend," ani Derek sa press conference ng kanyang pelikula na "A Secret Affair" kung saan kasama niya ang Kapamilya stars na sila Anne Curtis at Andi Eigenmann.

"John Lloyd (is the No.1) leading man. I can learn a lot from him which I did noong naka-trabaho ko siya dati. I don't think he also has bad blood against me," dagdag ni Derek na iginiit na hindi din totoo ang isyung nagkikita muli sila ni Angelica."It's been with finality for a long time. She's happy, I'm happy. We both moved on with our lives. We are entering, I guess, new chapters of our lives."
 
Samantala, itinanggi din ni Derek ang isyung nakita siyang nakikipag-date sa aktres na si Jessy Mendiola. "Oo nga bakit nga ba? I heard that a few days ago. Pero NO," ani Derek.