• Home
  • Fresh Scoops
  • Matt Evans says it's better if he and Johnelline Hickins part ways

Matt Evans says it's better if he and Johnelline Hickins part ways

In an exclusive interview with The Buzz, the actor says he doesn't want to get back together with his live-in partner even if they patch things up.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/29/2012 12:28 AM
Matt Evans says it's better if he and Johnelline Hickins part ways


102912-matt_main.jpgIpinalabas ang exclusive interview ni Matt Evans kahapon sa The Buzz at dito ay isinalaysay ng aktor ang kanyang panig hinggil sa pangyayari sa kanila ng kanyang dating girlfriend na si Johnelline Hickins at sa kapatid nito na Juan Alberto Carlotta. 

Ani Matt, kung siya ang tatanungin, sa palagay niya ay pinlano ng kanyang girlfriend na awayin muna siya at bigla siyang bibigyan ng isang 'surprise' dahil sa kanyang birthday pero nauwi sa seryosong awayan ang insidente na umabot pa sa demandahan. Gayunpaman, bago pa ang insidenteng ito ay inamin ng aktor na madalas na silang mag-away ng kanyang girlfriend. Pero itinanggi niyang pinagbuhatan niya ng kamay si Johnelline before. Inilarawan pa niya na maayos din naman daw ang relasyon niya sa mga kamag-anak nito. 

Sa tanong naman kung mapag-uusapan pa ba nila ang kanilang problema, pahayag ni Matt, “Mapapag-usapan pa pero pagkatapos siguro ng pag-aayos, ng pag-uusap, mas pipiliin ko na lang na lumayo kami sa isat-isa. Ayoko na ho.” Nang direktang tanungin siya ni Boy Abunda kung hindi na ba niya babalikan si Johnelline, ang mabilis na tugon ni Matt, "Hindi na ho. Sigurado ako dahil masasabi ko na sobra-sobra ho ‘yung pinaranas niya sa akin para bumalik pa ako.” Sa tanong kung hindi ba niya ito gagawin sa ngalan ng kanilang anak, ani Matt, “Kung para ho sa bata, andito ako palagi pero kung para ho sa amin, hindi na ho.” 

Para naman sa kanyang mensahe sa dating katipan, ani Matt, “Alam mo kung gaano kita minahal. I’m sorry kasi kinakailangang umabot tayo sa ganito, demandahan. Alam mong 'di kita sinuntok, 'di kita sinipa, 'di kita kayang saktan.” Ani Matt, handa niyang ipagtanggol ang sarili sa legal na paraan kung hindi man sila humantong sa pag-aayos. 

Nagpapasalamat si Matt sa kanyang pamilya sa suportang ibinigay ng mga ito, lalo na ang kanyang magulang dahil sa huli ang mga ito pa rin ang kanyang karamay sa lahat ng oras. 

Samantala, sinabi rin sa The Buzz kahapon na sinikap nilang kunin ang panig ni Johnelline subalit tumanggi ang kampo nito na magsalita. Sinabi rin ng programa na ayon sa isang source ay sinisikap ng dating girlfriend ni Matt na makipag-ugnayan sa aktor para makipag-ayos subalit itinigil na ang pakikipag-usap sa kanila ni Matt.