• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz admits that he and Angelica Panganiban are a couple

John Lloyd Cruz admits that he and Angelica Panganiban are a couple

The actor relates that he just woke up one day and realized he has special feelings for Angelica.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/29/2012 12:37 AM
John Lloyd Cruz admits that he and Angelica Panganiban are a couple


102912-jlc_main.jpg“Yes we are,” ito ang direktang sagot ni John Lloyd Cruz sa The Buzz kahapon nang tanungin siya ni Boy Abunda sa totoong status ng relasyon nila ni Angelica Panganiban. Gayunpaman, tumanggi si John Lloyd na magdetalye kung gaano na sila katagal ni Angelica. Sa tanong naman kung masaya siya ngayon sa estado ng kanyang buhay, ang direktang sagot ng aktor, “It’s beyond happiness pa nga, eh.” Paliwanag ni John Lloyd, nagsimula lang sila sa pagkakaibigan ni Angelica at isang araw ay nagising na lang siya na may special feelings na siya sa aktres. “It’s something na hindi namin ine-expect, it’s something na parang bigla na lang (mararamdaman mo) ‘Sa’n galing ito, sa’n galing ‘yon? Parang suddenly it’s magic. Seriously ‘yun talaga ang nangyari,” paliwanag ng aktor. “For a very long time halos parang 'di mo nakikita ‘yung tao, tapos bigla na lang nakita mo siya ulit, parang in a different light.” 

Dagdag pa niya, never naman talaga nila itinanggi ni Angelica kung ano ang namamagitan sa kanila,pero may hangganan lang kung hanggang saan ang pwede nilang ibahagi sa media. “Ang dami na rin kasing nagtatanong, wala naman kaming tinatago. Wala naman kaming dapat pagtaguan, wala naman rin kaming dapat paglihiman. Hindi naman kami para umiwas sa tanong (kapag) may nagtanong, opo kami po. Pero ‘yung pagpapaliwanag, ‘yung pagbibigay ng detalye, doon kami talaga, medyo, hindi talaga ka-open.” 

Samantala, muling magtatambal sina John Lloyd at Bea Alonzo sa A Beautiful Affair na magsisimula na ngayong Lunes, October 28. Nagsisilbi ring selebrasyon ang teleserye ng kanilang isang dekada bilang magkapareha. “Napakasuwerte namin na ‘yung mga supporters namin tinatanggap kami kung sino kami sa totoong buhay. Kung ano meron kami sa totoong buhay at sobra pa rin ‘yung effort na ibinibigay nila at sobra din ‘yung support na ibinibigay nila para sa amin. So we’re just really lucky binibigyan kami ng magagandang proyekto ng ABS-CBN gaya nito.” 

Kasama rin sa A Beautiful Affair sina John Estrada, Dimples Romana, Slater Young, Megan Young, Jaime Fabregas, Ana Roces, John Arcilla, Maritoni Fernandez at marami pang iba.