• Home
  • Fresh Scoops
  • Helen Gamboa says she and niece Sharon Cuneta have already made peace with each other

Helen Gamboa says she and niece Sharon Cuneta have already made peace with each other

The veteran actress even shared that she and Sharon communicate almost everyday.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/29/2012 12:18 AM
Helen Gamboa says she and niece Sharon Cuneta have already made peace with each other


102912-helen_main.jpgAll’s well that ends well for Helen Gamboa and Sharon Cuneta. Balik ang closeness ng dalawa matapos ang halos dalawang taon nilang tampuhan dahil sa magkaibang paniniwala sa pulitika. Pareho kasing pulitiko ang kanilang mga asawa na sina Sen. Kiko Pangilinan at si Sen. Tito Sotto. 

Kamakailan, sa third birthday party ng adopted son nina Sharon at Sen. Kiko na si Miguel, ay dumalo si Helen at pagdating pa lang niya kasama ang pamilya ay sinalubong agad siya ng Megastar para batiin. 

Paniniyak naman ng veteran actress, matagal na nilang naayos ang kanilang di pagkakaunawaan subalit ngayon lang sila nakunan ng camera na magkasama. “Matagal na ‘yon, actually we have settled this a long long time ago. Inside the family talaga namang nagkikita kami magka-text kami araw-araw. And it so happened na ngayon lang nagkaroon ng party na ganito, so ngayon lang nagkita-kita,” ani Helen. 

Dagdag naman ng kanyang kabiyak na senador, “’Yung sa amin naman usually miscommunication lang eh. Ganun lang kaya kapag kami’y nakapag-usap na, everything is ironed out. Di naman namin pwedeng talikuran ang panganay naming anak.”Ang  tinutukoy ay si Sharon na anak na kung ituring ni Helen at Sen. Tito. 

Masaya rin si Helen for her niece dahil finally ay nakuha na nila adoption papers para sa kanilang itinuturing na bunso na si Miguel. “I know for a fact that Sharon is the most happy sa okasyon na ito. Siya ‘yung gustong-gusto na magkaroon ng baby boy.” 
Sa panayam naman kay Sharon, sinabi nito na humingi naman siya ng tawad sa kanyang tita at natuto siya sa kanyang pagkakamali. “Sabi ko nga I’m also sorry kasi nakapagbitaw din ako (ng masasakit na salita). Even if I wanted to choose my words, dahil dala ng sama ng loob, I really regret it.”