• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann on alleged relationship with Jake Ejercito: 'Ask niyo na lang siya'

Andi Eigenmann on alleged relationship with Jake Ejercito: 'Ask niyo na lang siya'

The actress clarified that she is not hiding the true status of her relationship with Jake Ejercito.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/29/2012 12:23 AM
Andi Eigenmann on alleged relationship with Jake Ejercito: 'Ask niyo na lang siya'


102912-andi_main.jpgWala raw secret relationship ngayon si Andi Eigenmann nang tanungin siya ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon. Maugong kasi ngayon ang mga bali-balitang karelasyon ng aktres si Jake Ejercito, na anak ni dating pangulong Joseph Estrada. Mariing itinanggi ni Andi na magkarelasyon na sila kahit na marami ang naniniwalang may namamagitan na sa kanila. “I guess it’s safe to say that he’s special to me. Ask n’yo na lang siya,” ani Andi. Just like in her previous interviews, sinabi ng aktres na wala pa sila sa stage na 'in a relationship,' subalit espesyal sa kanya ang binata dahil kahit na nasa ibang bansa ang binata dahil nag-aaral ito, ay never ipinaramdam sa kanya ni Jake na malayo ito dahil araw-araw silang nagko-communicate. 

Samantala, tila nasa alapaap pa ang pakiramdam ni Andi sa good reviews na nakukuha niya sa kanyang performance sa pelikulang A Secret Affair together with Anne Curtis at Derek Ramsay. Liberated ang role ni Andi sa pelikula at mahusay umano ang pagkakaganap niya rito. “Kasi challenge siya. I’m here in the industry (and) I wanna be a good actress. I wanna be known as that. I wanna grow. I wanna help myself grow kaya kahit nung nagkaroon ako ng opportunity na maging part ng ganitong project I thought about it really really hard but I really leaned towards accepting it kasi challenge siya,” paliwanag ni Andi. “Alam ko na kung kakayanin ko ito may maipapakita ako sa tao at pwedeng may ma-improve din ako about myself as an actress.” Sabi pa ni Andi, so far, this is the most daring role that she has portrayed at worth it naman daw dahil napansin ang kanyang talento sa pag-arte.  
Kinikilig din ang aktres sa pagkakapuri sa kanya ng kanyang co-star na si Anne. Aniya, karangalan na ang makatrabaho si Anne, kaya isang malaking bonus ang makatanggap ng papuri mula dito.