Sa guesting ni Jessy sa "KrisTV," inamin nitong may ilang linggo na din nang muling magbalik ang kanilang komunikasyon at nagkasundong simulan muli ang naudlot nilang relasyon.
"Well it stopped for a while, pero now, we are trying to reconnect and fix our differences. Inaayos ang (gulo). Naayos naman kind of, ano lang medyo nasa awkward stage lang kami kasi we are starting over again," ani Jessy na inaming nagkalabuan sila ni JM matapos umamin ng aktor sa publiko ng kanyang pag-ibig sa dalaga.
"Si Jessy ang babaeng pwedeng mahalin habambuhay," ani JM nang mag-guest ito noon sa sa "KrisTV."
Pag-amin ni Jessy, may walong buwan silang exclusively dating ni JM nang magkalabuan sila.
Ani Jessy, nagsimula silang magkausap nang gumawa ng paraan si JM na hanapin ang kanyang bagong cellphone number.
"Recently lang siguro two or three weeks ago. Kasi nagpalit ako ng number hinanap niya talaga yung number ko.
Nang matanong kung si JM din ba ang lalaking pwede niyang mahalin habambuhay, sinagot ito ng aktres: "Oo naman -- pwede ko siyang mahalin ng pang-habangbuhay."