• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlos Agassi shares why it is hard for him to leave showbiz

Carlos Agassi shares why it is hard for him to leave showbiz

Carlos Agassi says that he is thankful that he is still given opportunities to continue his showbiz career.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/27/2012 10:09 PM
Carlos Agassi shares why it is hard for him to leave showbiz


102812-carlos_main.jpgKamakailan ay nagkaroon ng press conference para kay Carlos Agassi para sa launching ng kanyang album, Kapayapaan. Ilo-launch din ito sa ASAP sa November 4.

Unlike before, hindi na ganoon ka-visible si Carlos or Amir, as he is fondly called, sa showbiz. Lumalabas-labas pa rin naman siya sa mga pelikula at teleserye once in a while.

Kuwento nga ni Carlos, nagbalak na daw siyang i-give up ang showbiz dahil may mga family business naman siyang maaaring atupagin at asikasuhin. Nag-aral din siya sa US ng fitness and nutrition para tulungan ang mga taong gustong magpaka-healthy. Pero aniya, hindi talaga maiaalis sa kanya na he is widely recognized as a celebrity.

Aniya, sinubukan niyang tulungan ang family sa kanilang business na manpower agency. “Kasi magi-interview ako ng mga ipadadala sa ibang bansa na engineers or nurses. Nagpapa-picture sa akin. Ini-interview ako, ‘Ba’t wala ka sa TV?’ So sabi ni mommy, ‘Walang nangyayari, ah. Kesa ikaw ang mag-interview, ikaw ang ini-interview.’”

Minsan naman daw ay may Arab na employer ang dumating sa bansa na tutulungan ni Carlos na humanap ng mga trabahador. “Ilalabas ko for interview or kunwari maghanap ng cement workers, nagpapa-picture sa akin. Hahawakin tiyan ko. So ang ending artista, hindi manpower agency,” natatawa niyang kuwento.

May isang pagkakataon naman daw na sinubukan niyang i-manage ang kanilang family resort subalit pinagkakaguluhan daw siya ng mga pumupunta sa resort. “Pag may nagpunta magi-inquire, pag nakita ako, magpapa-picture sa akin at kakalat na lang sa buong resort na andun ako, so buong araw picture-taking.”

Dahil dito, na-realize daw ni Carlos na malakas pa rin ang tawag sa kanya ng showbiz. “Sabi ko parang dito talaga ang bagsak ko. Buti na lang ‘yung mga kaibigan ko kinukuha ako [sa pelikula]. Binibigyan ako ng work ng ABS-CBN. Ang ibang friends ko kinukuha ako sa celebrity basketball, fiesta as host or kakanta,” pagbabahagi niya.

Kaya naman masaya si Carlos na nagkaroon siya ng pagkakataon na subukang ipakilala ang sarili bilang singer with his music album. Kabilang sa kanyang album ang pitong original songs na  "Pinoy," "Nais Ko," "Muling Tanggapin," "Get Down," "Freakin’ Hot Mama 1 and 2," and "Kapayapaan."

Aniya pa, "Basically ang gist ng buong album is actually parang story ko and about [being a] proud Filipino. Kasi ang first song ‘Kapayapaan’ is about peace and then with regards to me personally in order to have peace it has to start with yourself and your family."