• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim denies that he and Kim Chiu are officially a couple

Xian Lim denies that he and Kim Chiu are officially a couple

Xian Lim clears up romance rumors surrounding him and Kim Chiu.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/27/2012 5:04 AM
Xian Lim denies that he and Kim Chiu are officially a couple


102712-xian_main.jpgSa muling pagrampa ni Xian Lim para sa kanyang ineendorse na clothing brand, tinanong ng Push.com.ph kung nararamdaman niya ang pagkakaiba na dati’y full-time model siya at ngayon ay isang in-demand actor na siya. “This time maypressure kasi nakakakaba, kasi I don’t want to go there too proud. So as much as possible [I want] just to be able to have a positive energy and masaya lang palagi para mahahawa yung audience.”

Hiningi din ng Push ang aktor na linawin ang mga kumakalat na balitang magkarelasyon na talaga sila ng ka-love team na si Kim Chiu at tinatago lamang nila ito. Aniya, “Well whatever people speculate, whatever they say, it’s up to them. Basta kami we are doing our job, we are happy, and we are just here just to make everyone proud.”

At nang tanungin ng Push kung ano ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, ang malinaw na sagot ng binata, “We are friends.”

Sa dami ng kanilang mga fans na gusto silang magkatuluyan at sa pagiging kumportable na nila sa isa’t-isa, mayroon pa bang humahadlang para sila ay magkatuluyan? Ayon kay Xian, “Of course not. She said she is very dedicated to her work and I am very dedicated to my work so sigurado kami na kung papasok kami sa ganun, ayaw namin mahati yung atensyon sa trabaho, unahin muna namin yung trabaho.

Dahil bukas naman ang binata sa publiko tungkol sa kanyang paghanga kay Kim, nagkakaroon ba sila ng pagkakataong lumabas at mag-date na silang dalawa lang? “Alam mo wala kasing time e with her schedule and my schedule. At sinasabi ko naman na haloseveryday kami nagkikita sa taping, grabe yung everyday na nagkikita na kami.”

At sa puntong “they are taking things slow” sa kung ano man meron sila ngayon, aniya, “Siguro alam mo for now hindi ko muna iniisip sa sobrang daming iisipin. And lagi naman kaming nagkikita. Nandiyan lang naman yun at nandiyan lang naman angfriendship, all we have to do is just take our time.”