• Home
  • Fresh Scoops
  • Karylle says she and Yael Yuzon are not planning to get married yet

Karylle says she and Yael Yuzon are not planning to get married yet

Karylle denies wedding rumors surrounding her and boyfriend Yael Yuzon.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/26/2012 7:57 AM
Karylle says she and Yael Yuzon are not planning to get married yet


102612-karylle_main.jpgSa opening ng bagong Family KTV nina Karylle at ng kanyang mga partners, ekslusibong nakausap ng Push.com.ph ang Showtime host tungkol sa makapigil-hiningang performance nila ni Anne Curtis para sa third anniversary ng Showtime. “Yes ang dami kong pasa. Nerbyos na nerbyos ako before especially with the fire, not so much with the hoop. But ang masasabi ko lang talaga si Anne Curtis kakaiba siyang tao. I keep on telling her that I am thankful that you keep on telling people to dream big kasi alam mo yun, yun yung mga kailangan nating marinig who is not just a talker but a doer.”

Dagdag pa ni Karylle tungkol sa kanilang performance, “She really shows na. ‘Let’s do it, kaya natin ito,’ and I am happy na pinili niya akong maging partner niya and teamwork talaga na hindi kami sumuko. Funny thing is ayaw niya kainin yung Tamilok, of all the things that was the first thing we did, but that was the one she didn’t want to do the most. Ang sabi ko nga, ‘Ano ka ba? that’s the easiest part.’” Binanggit din ni Karylle na ang konsepto ng kanilang performance ay mula din sa ideya ni Anne.

Kwinento din ni Karylle na napanood ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla at ng kapatid niyang si Zia ang kanilang performance. Aniya, “My Mom and Zia, they were watching it together and they were praying the whole time. Siyempre kita mo walang mat sa ilalim, walang harness they were so nervous.”

Pati ang kanyang boyfriend na si Yael Yuzon ay ninerbyos din sa kanilang performance, “Si Yael ninerbyos din kasi walang mat.”

Ngunit sinigurado ni Karylle sa kanyang mga mahal sa buhay na safe ang kanilang gagawin ngunit may isa siyang inamin tungkol sa kanilang performance. “They know naman that I have been training and the one that I am afraid of is the fire kaya kumanta na lang ako.”

Natanong din ng Push ang dalaga tungkol sa mga lumalabas na balitang kamakailan na balak na daw nila ng nila ng kanyang boyfriend na si Yael mag-settle down at magpakasal. Exclusibong itinaggi ito ni Karylle sa Push. “We have opened a business that’s I guess part of growing-up and settling down in a way pero its not that far ahead.”

Naging mabilis din ang sagot ni Karylle sa tanong na kung magpapakasal na ba sila ni Yael. “Hindi pa,” ang kanyang naging sagot at itinangging may plano silang magpakasal anytime soon.