Matt Evans breaks his silence

Matt Evans's legal counsel says that the actor is the real victim.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/24/2012 8:36 AM
Matt Evans breaks his silence


102412-matt_main.jpgIsang pocket press conference ang ginanap kahapon, October 23, sa ELJCC Bldg. sa ABS-CBN Compound para kay Matt Evans upang magbigay ng kanyang pahayag matapos ang naganap na insidente na pagkaka-detain niya sa Pasig Police Station noong weekend. Ito ay matapos siyang ireklamo ng kanyang live-in partner na si Johnelline Hickins at ang kapatid nitong si Juan Alberto Carlotta. Inireklamo ng magkapatid ang aktor ng physical injury at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children.

Inireklamo ni Johnelline ang ama ng kanyang sanggol dahil umano sa pananakit nito at dahilan ng pagkahulog sa hagdan at pananakit sa kanyang kapatid.

Nang tanungin ng Push.com.ph si Matt kung ano ang natutunan niya sa nangyari, nagawa pa niyang magbiro. "Lesson for me, siguro huwag gumawa ng mali kapag weekend. Siguro dapat mga weekdays,” dahilan upang kahit paano ay mangiti ang mga media people na dumalo sa nasabing press conference.

“Lesson for me is kung hindi kaya, kung marami kang pinagdadaanan, huwag kang bibitaw. ‘Yung maging honest ka at siguro isa pa ‘yung maging matibay ka sa lahat, ‘yun lang ang pinaka-lesson sa akinSiguro hindi din dapat maging impulsive sa mga desisyon huwag basta-basta dapat pinagpa-planuhan kahit ang maliit na bagay, sa relasyon, ingat-ingat,” ani Matt.

Coincidentally ay nagdiwang din ng kanyang 26th birthday si Matt noong Lunes, Oktubre 22. Sinundot ito ng tanong kung ano ang kanyang birthday wish. Simple lang ang naging sagot ng aktor at sinabing sana ay matapos na ang kasalukuyan niyang pinagdadaanan.

"Sobra kong nasaktan ang family ko. Kasi hindi nila akalain na aabot ako sa ganoon, kasi alam nila, kilala nila kung paano ako magmahal sa pamilya ko... Nasaktan talaga sila sa nangyari. Sana ay maka-recover kasi na-trauma talaga ang family ko," aniya.

Naging open si Matt sa pagsasabing ang salaysay ng kanyang girlfriend ay ibang-iba sa tunay na nangyari. "Halo-halo ang emotion, nandiyan ‘yung alam mo na nandoon ‘yung dagdag-bawas [sa kuwento]. Saka ‘yung inis. Nagalit din ako. Saka siyempre nasaktan din talaga," aniya.

"Hindi ko alam kung bakit sobrang ibang-iba ‘yung statement nila. Doon ako nagulat, doon ako nainis at doon ako nagalit kasi ang daming dinagdag at ang daming binawas doon sa mga sinabi nila. At saka medyo pinabango talaga nila ‘yung mga nangyari para madiin talaga ako."

Sa nasabing press conference ay humarap din ang legal counsel ni Matt na si Atty. Joji Alonzo at ang abogado nito na si Atty. Gerly Rico. Sa pahayag ni Atty. Joji ay sinuportahan niya ang pahayag ni Matt na ibang-iba ang kuwento ng kampo ni Johnelline sa tunay na nangyari.

Unang-una, sa first statement pa lang na dumating si Matt na lasing is so untrue. In fact, the brother of the girl was not even around when he arrived together with some friends kasi they'd like to unwind, drink a little beer. At that time, umakyat pa siya sa baby at nagluto pa siya for Johnelline ng pagkain. So how could someone who's drunk go through that motion of taking care of things of the family. ‘Yung claim na tinulak itong si Johnelline is also not true. The claim of Johnelline that she was pushed down the stairs is not true kasi bumaba na si Matt. He was already somewhere in the middle of the stairs, so paano mo maitutulak the opposite direction," paliwanag ng abogada.

Dagdag pa ni Atty. Joji, nang dumating ang barangay people sa insidente, isang kutsilyo lamang ang nakita at ito ay ang hawak umano ng kapatid ni Johnelline. Taliwas ito sa pahayag ng kapatid ni Johnelline na tinutukan din siya ng isa pang kutsilyo ni Matt.

Paglilinaw ni Matt, "Kumuha po siya [Carlotta] ng kutsilyo, lumayo po ako."

Sa aspeto naman umano kung pinagbuhatan niya ng kamay si Johnelline, o kung may pagkakataon man in the past na pinagbuhatan niya ng kamay ang girlfriend, ang tugon ni Matt, “Ako po ‘yung tipo ng taong kahit anong problema ang ibigay mo sa akin ay ngingitian ko lang, tatawanan ko lang. Hindi po ako mananakit, hindi po ako nananakit, hindi po mabigat ang kamay ko. Kung may problema, as much as possible, gusto ko inaayos kaagad, hindi po pinakukumplika.”

Inamin din ni Matt na bago pa man nangyari ang insidente ay dumadaan na sa mga pagsubok ang kanilang relasyon. Aniya, hindi raw perpekto ang kanilang relasyon. "There were times na may hindi pagkakaintindihan pero naayos din yon. Ito ‘yung huling away na nangyari tapos umabot pa sa ganoon," aniya.

Itinanong din kay Matt kung ano nga ba ang dahilan ng pag-aaway nila ni Johnelline. At sinabi niya na napakaliit na dahilan lang daw ang naging dahilan at itinanggi na may kinalaman ito sa selos.

"Bale may tinanong lang siya sa akin sa mga kaibigan ko, sinabi ko lang ang totoo, hindi siya naniniwala. Pinaulit-ulit niya sa akin ‘yung tanong, inuulit-ulit ko lang ‘yung sagot. So umalis na lang ako, nagpumulit akong lumabas na lang ng bahay kasi alam ko na ang ending, so doon na nagsimula," kuwento niya.

Pagdidiin pa ni Atty. Joji, si Matt ang tunay na biktima sa nangyari at gagawin daw nila ang kanilang makakaya para patunayan ito.

Hindi naman sarado si Matt sa settlement subalit hindi rin daw siya aatras kung gusto nilang ituloy ang demanda. "Para sa akin, kung gusto talaga nilang maayos ito ay willing naman ako. Kung itutuloy nila, siyempre lalaban ako pero kung hindi naman nila itutuloy talaga at hahayaan nilang ma-dismiss itong kasong ito, siyempre hindi na ako lalaban at wala na. Gaya nga ng sabi ko, hanggat maari ay gusto ko ng matapos."

Naitanong din kay Matt kung bakit hindi raw niya inamin sa publiko na siya ay isa nang ama sa anak nila ni Johnelline. Paglilinaw ng aktor, never niyang itinanggi na siya ay isa nang ama. Kung titingnan daw ang accounts niya sa social networking sites at kung natanong ang mga kaibigan niya ay alam nilang very proud pa nga ito bilang isang ama.

"Hindi sa hindi ko inaamin [sa publiko], actually off cam, sobrang proud daddy talaga ako at wala akong inililihim. Makikita niyo ‘yung Facebook account ko, yung Instagram account ko, lahat all out ako. Ang sa akin, gusto ko, kapag inilabas ko ay prepared, may pictures, ganoon ako ka-excited para sa baby namin. Hindi ko talaga tinatago actually. Hindi ko lang nasabi talaga formally. Balak ko na sana talaga."

Sobra nga raw siyang nalulungkot sa nangyari dahil ilang araw na niyang hindi nakikita ang kanyang anak. 

Dahil sa nangyari ay marami ang nagkaroon ng konklusyon at humusga kay Matt. Nang hingan siya ng mensahe sa mga taong nanghusga sa kanya, ang sagot ni Matt, "Siyempre hindi natin maiiwasan na may mag-juice up ng kwento pero sana ay irespeto na lang nila kung ano ‘yung sasabihin at hindi sasabihin. Respetuhin na lang nila na wala talagang rason para palakihin itong sitwasyon na ito.”

Lubos naman ang pasasalamat ni Matt sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya sa kanyang pinagdadaanan. “Sobra naman ‘yung pasasalamat ko [sa mga supporters], unang-una sa Diyos kasi grabe ‘yung nangyaring ito, hindi ko ini-expect, akala ko right after mawawala na lahat kasi alam ko naman ‘yung ginagalawan ko. Sobrang salamat kasi hindi ko ini-expect na ganoon kadaming tao ang nagmamahal sa akin. Sobrang blessed at saka hindi ko sasayangin ‘yung suportang ibinigay sa akin and I'm looking forward na makapagtrabaho nang maayos."

Kasama si Matt sa upcoming teleserye na Paraiso na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli.