Matt Evans released from jail after posting bail

Matt's camp reiterates he is innocent of the charges filed against him by his girlfriend.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/23/2012 7:00 PM
Matt Evans released from jail after posting bail


102312-mattevans_main.jpgMatapos salubungin ang kaarawan sa kulungan, pansamantalang nakalaya si Matt Evans matapos mag-piyensa ng P200 nitong Lunes sa kasong pananakit sa kanyang partner na si Johnelline Hickins at sa kapatid nitong si Yanni Hickins.

Matatandaang noong Sabado ay ikinulong sa Pasig Police Headquarters si Matt dahil sa slight physical injury at violence against women matapos siyang ireklamo ni Johnelline at kapatid nito.

Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo si Johnelline at Matt habang pinagpa-planuhan sana ang birthday party ng aktor, dahil sa pagtatalo ay sinasasabing parehong nahulog si Matt at Johnelline sa hagdanan.

Pinanindigan naman ng kampo ni Matt na walang katotohanan ang paratang sa aktor.

Sa ngayon aniya ay sa bahay ng magulang umuwi ang aktor at hindi na nagdiwang pa ng kaarawan.