Matt Evans involved in a domestic spat with girlfriend

The actor is currently in jail but denies allegations that he pushed his girlfriend down a flight of stairs.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/21/2012 10:24 PM
Matt Evans involved in a domestic spat with girlfriend


102212-matt_main.jpg
Isang breaking news ang inanunsyo ng The Buzz kahapon tungkol kay Matt Evans at ito ay away umano sa pagitan ng aktor at ng kanyang girlfriend na si Johnelline Hickins pati ang kapatid nito na si Yanni Hickins. Ayon umano sa ulat, naghahanda sana ng birthday celebration si Johnelline at ang kapatid nito para sa aktor pero biglang nagkaroon ng mainit na diskyusyon si Matt at ang girlfriend nito. Itinulak umano ni Matt ang girlfriend kaya nalaglag ito sa hagdan. Sinubukang umawat ang kapatid nito na si Yanni, pero sinipa umano siya ni Matt sa mukha. Hindi pa tinukoy kung ano ang ugat ng pag-aaway. 

Sa bersyon naman ni Matt, aksidente umano ang pagkakalaglag ng kanyang girlfriend at pinagbantaan daw siya ng kapatid ni Johnelline gamit ang isang kutsilyo. Habang isinusulat ito ay naka-detain pa si Matt sa Pasig City Headquarters at dahil Linggo at walang opisina ay doon muna siya nanatili. Inaasahan naman makakapagpiyansa siya sa Lunes, October 22. 

Sa official statement ng abogado ni Matt na si Atty. Gerly Rico, kinumpirma nito na may nagkaroon nga ng alitan ang magkasintahan. “In the evening of October 20, domestic violence happened between Matt, his girlfriend Jhonelleen and the latter’s brother. Matt denies having inflicted any injury against his girlfriend or her brother. In fact it was Matt who was hit on the leg and was threatened with a knife. We are awaiting the legal process to proceed so that Matt’s name will be cleared from all of these accusations, which are nothing but lies.” 

Sa pahayag ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, dalawang kaso ang nais isampa ng kampo ng girlfriend ni Matt sa kanya, ang violence against women and children at ang isa pa ay physical injuries. 

Pwede rin daw mag-usap ang dalawang kampo para sa isang out-of-court negotiation o kaya naman ay maghintay si Matt hanggang sa makapagdesisyon ang fiscal na hindi sapat ang ebidensya laban sa kanya. At kung may dagdag na ebidensya sa kaso ay iimbestigahan pa ito. Samantala, posible naman daw na si Matt ay mag-bail at mag-file din ng counter charges sa kanyang kasintahan.