• Home
  • Fresh Scoops
  • Is romance brewing between Piolo Pascual and Shaina Magdayao?

Is romance brewing between Piolo Pascual and Shaina Magdayao?

Rumors about a blooming romance between the two began after ASAP 2012's Singapore

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/21/2012 10:15 PM
Is romance brewing between Piolo Pascual and Shaina Magdayao?


102212-shaina_main.jpg
Pagkatapos ma-link kay Gerald Anderson at kay Diether Ocampo, nauugnay naman ngayon si Shaina Magdayao kay Piolo Pascual. Ito ay pagkatapos na mag-post ng pictures ang aktres ng pictures nila together ng aktor habang nasa Singapore para sa episode ng ASAP 2012 sa nasabing bansa. Noong una ay 'di naman ito nabigyan ng kulay subalit marami ang nakapansin sa mga sunud-sunod na photos na magkasama ang dalawa. 

Ayon naman sa isang reliable source ng The Buzz, marami raw talaga ang nakapansin sa pagiging close nina Shaina at Piolo sa Singapore. Kahit nga raw mga kapwa artista nila ay nagtataka sa kakaibang closeness sa kanilang dalawa. Gayunpaman, bago pa man daw sila nakapunta ng Singapore ay nagkakaroon na ng magandang pagtitinginan ng dalawa. 

Sa interview ng The Buzz kay Billy Crawford, na kasama sa ASAP sa Singapore at kasama ng dalawa sa mga pics, sinabi ng international singer na madalas nga niya at ng girlfriend na si Nikki Gil na kasama sina Piolo at Shaina sa kanilang pamamasyal doon. Nang tanungin siya kung may sweetness ba talaga ang dalawa, ang tugon ni Billy, “Si PJ (palayaw ni Piolo) gentleman lang naman talaga. He is also taking care of Shaina. Inaalalayan din. Sweet sila. Nasa kanila na ‘yon di ko alam kung may namumuo.” 

Itinanggi rin niya na nagho-holding hands sina Piolo at Shaina gaya ng mga napapabalita. Ani Billy, buong araw silang magkakasama roon at hindi niya nakita ang sinasabing buong araw umanong magkahawak-kamay sina Piolo at Shaina.  

Samantala, sa www.darlasauler.com naman ay nai-post ang reaksyon ni Shaina sa mga kumakalat na bali-balita ngayon sa kanila ni Piolo. “Papa P has always been a gentleman naman to me and everyone. Kahit sino pa tanungin niyo isang mabait na tao.We’re friends.”