• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales shares why she and Mario Maurer became fast friends

Erich Gonzales shares why she and Mario Maurer became fast friends

The actress happily reveals the good traits of her 'Suddenly It's Magic' leading man.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/21/2012 10:09 PM
Erich Gonzales shares why she and Mario Maurer became fast friends


102212-erich_main.jpg
Kung mayroong isang pagkakahalintulad sina Erich Gonzales at ang kanyangSuddenly It’s Magic leading man na si Thai superstar Mario Maurer, ito ay ang pagmumula sa simpleng pamilya at paghangad na maging artista para makatulong sa pamilya. At ito raw ang rason kung bakit madaling nagkapalagayan ang loob nila sa isa't isa. Kuwento ni Erich tungkol kay Mario, “Nag-start kaming magingclose nung nag-shoot kami sa Ilocos. Halos everyday kami-kami lang ang magkakasama.” May mga eksena raw na silang dalawa lang at nakakapag-usap sila ng kahit anong paksa. Umabot na raw sila sa puntong napag-uusapan ang pag-ibig. Kuwento pa ni Erich kahit daw first time nilang magkatrabaho ni Mario ay naging magaan ang loob nila sa isa’t isa. “Dahil siguro sa sobrang komportable ko sa kanya na parang antagal-tagal na naming magkatrabaho dahil again walang ilangan talaga at ‘yung familiarity andun kaagad.”  

Ibinahagi rin ni Erich ang payo sa kanya ng kanyang leading man. “Sabi lang niya talaga, ‘Erich, you enjoy your life, ganyan-ganyan… sabi niya sa akin kasi itong buhay nating ito hindi naman ito forever 'di ba? So lahat ng moment i-enjoy mo ‘yan. Siya talaga sobrang kid at heart napaka-playful niya, he’s 23 pero parang siyang bata talaga,” pagbabahagi ni Erich. Isang taon lamang ang agwat ng edad ni Mario kay Erich. 

Bukod sa pagiging makulit at maharot daw ni Mario, bilib din daw si Erich sa aktor dahil mahusay talaga ito sa kanyang trabaho. “Sobrang galing niyang artista talaga, pumupunta sa set ready na. Alam niya ang lines niya kahit nabubulol siya, go pa rin siya ng go.”