• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban admits that John Lloyd Cruz is one of the reasons she's happy

Angelica Panganiban admits that John Lloyd Cruz is one of the reasons she's happy

The actress says she is very happy with the state of her love life now.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/21/2012 10:30 PM
Angelica Panganiban admits that John Lloyd Cruz is one of the reasons she's happy


102212-angelica_main.jpgTila unti-unti nang nagiging bukas si Angelica Panganiban sa estado ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz at gayundin ang aktor. 

Sa ginanap na taping ng 4th anniversary ng Banana Split kamakailan, binisita ng The Buzz team ang aktres at doon ay nalaman nilang isang bouquet of flowers ang ipinadala umano ni John Lloyd kay Angelica. Nang kunan ng reaksyon ang aktres sa natanggap niyang bulaklak, pagbibiro pa niya, “Nakaka-perfect ng pagiging babae. Dati kasi duda ako kung babae talaga ako, pero ngayon, ah, oo babae nga ako.” 

Sa sobrang saya daw ng buhay pag-ibig ni Angelica ay kahit siya ay tila 'di makapaniwala. “Masaya, sobra. Parang 'di na siya part ng mundo, ‘yung happiness mo, ‘yung iisipin mo totoo pa ba ‘to? Reyalidad pa ba ito? ‘Yung happiness na meron ka? Hindi ko inaakalang maa-achieve ko ang ganitong klase ng happiness na meron ako.” 

Kamakailan sa Instagram ng dalaga, ay nag-post si Angelica ng collage ng kanyang mga larawan na ipinapakita na masayang-masaya siya. Sa ibaba ng nasabing photo collage ay may caption ito na, “The best things in life are unseen, that’s why we close our eyes when we kiss, cry & dream. – this time… I prefer to open my eyes.. so I can see you.. thank you for the happiness.” Inisip naman ng marami na ang dahilan ng kasiyahan ngayon ni Angelica ay si John Lloyd. Kaya naman nang direkta siyang tanungin tungkol sa aktor, ang kanyang diretsong sagot, “Oo naman, oo naman, malaking parte siya.”