John Prats talks about being in love and in relationships

John Prats opens up on the matters of the heart, saying that the greatest lesson he has ever learned from being in love is to never give up.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/20/2012 10:18 PM
John Prats talks about being in love and in relationships


102112-john_main.jpgMasasabing isa si John Prats sa may mga pinakamakulay na love life sa show business. Laging usap-usapan at laman ng balita ang kanyang buhay pag-ibig pa-usbong man, kasalukuyang karelasyon o naghiwalay na. Nang magkaroon ng pagkakataon na ekslusibong makapanayam ng Push.com.ph si John, natanong siya kung ano nga ba si John Prats kapag in love.

Siyempre inspired and bigay todo kaya naman every time na sa past ko nage-end, lagi ako walang regrets because I give my all and I always do my best to be the best boyfriend. And minsan hindi naman siya nage-end sa kung paano ko siya pinapangarap na mag-end pero the most important thing ay binigay ko ang lahat ko, no regrets at siguro na-accept ko hindi pa nga yun para sa akin,” aniya.

Matatandaang sina Heart Evangelista, Shaina Magdayao, Rachelle Ann Go at Bianca Manalo ang kanyang mga naging karelasyon sa show business. Lahad pa ni John, nag-iiba siya sa bawat babaeng naging karelasyon niya. Aniya, “Iba kasi iba yung mga partners mo e at nakaka-adapt ako pag iba yung gusto nila at nag-grow din ako when it comes to relationships kasi alam ko yung mga pagkakamali ko at di ko na inuulit.”

Ibinhagi din ni John na mahahalatang umiibig siya lalo pa at kasama niya ang inspirasyon niya kung tahimik lang siya. “Well kung gaano ako kadaldal sa Banana Split kapag nandiyan yung inspirasyon ko tahimik lang ako. Ganun lang, hindi ako masyadong nakakapagsalita.”

Ayon pa kay Pratty, mas nagiging masipag siya pag in love. “I work harder, I really work harder. I use that as an inspiration at dinadala ko yan sa trabaho and I am more inspired, more than a distraction I am really inspired to give my all and when I dance, I really give my all.”

Sa lahat ng naranasan ni John pagdating sa pag-ibig, ang hindi pagsuko sa pagmamahal ang kanyang pinakanatutunan sa lahat. “Never, ever give up on love, never. And siguro kung anuman ang nangyari sa past mo, kung sino man ang naging girlfriend mo o boyfriend mo, kung masakit man yung mga naranasan niyo o trauma, huwag niyong dadalhin yan sa next relationship niyo kasi nainiwala ako na bawat tao ay unique at hindi pareho ng past so yun yung natutunan ko na kung past na just leave it there and move on.”