• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla on being the breadwinner: 'Nagkataon ngayon ako ang nakakatulong'

Daniel Padilla on being the breadwinner: 'Nagkataon ngayon ako ang nakakatulong'

Daniel Padilla says that this is now the time that he can help his family financially.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/2/2012 8:35 AM
Daniel Padilla on being the breadwinner: 'Nagkataon ngayon ako ang nakakatulong'


100212-daniel_main.jpgIsang tagumpay para sa teleseryeng Princess And I ang soundtrack ng teleserye na naging gold na. “Maraming salamat po. Siyempre at napakasaya namin,” bungad ni Daniel Padilla na isa sa mga batang artista sa Princess and I. Kasama rin sa album ang mga songs na inawit nina Angeline Quinto, Christian Bautista, Kathryn Bernardo, Daniel, Enrique Gil at Khalil Ramos.

For three consecutive weeks din ay leading sa primetime race ang nasabing teleserye kaya pagbabahagi ni Daniel, masarap daw sa pakiramdam na nagbubunga ang kanilang pagsisikap. “Masaya po siyempre dahil nag-pay off na rin ang trabaho na ginagawa namin na pagpupuyat araw-araw at maraming salamat po sa inyong lahat.

Sa tanong kung may pressure ba sa kanila ngayong sila ang nangunguna, pag-amin ng young actor, “May pressure. Siyempre po kailangan po naming ituloy-tuloy.”

Direkta ring tinanong si Daniel sa mga isyung siya umano ang breadwinner ngayon ng pamilya. “Pana-panahon lang po ‘yan. Nagkataon na ngayon ako ‘yung nakakatulong, bakit hindi? Pamilya mo ‘yan. Sila nagpalaki sa ‘yo. Ano bang karapatan mo para humindi? Utang na loob ko na po sa kanila.”