• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo does not want to be in the same project with Bea Alonzo if possible.

Zanjoe Marudo does not want to be in the same project with Bea Alonzo if possible.

Zanjoe Marudo feels pressured whenever he and girlfriend Bea Alonzo work on the same project.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/20/2012 1:16 AM
Zanjoe Marudo does not want to be in the same project with Bea Alonzo if possible.


102012-zanjoe_main.jpgIsa si Zanjoe Marudo sa mga naunang cast members ng Banana Split, umalis man ito ng panandalian sa show. Naging napakahalaga ng show na ito sa kanya dahil sa napakalaki ng naitulong nito sa kanyang career. Lahad ni Zanjoe, “Personally marami e. Yung sa mga comedy na hindi ko alam, akala ko dati yung comedy maraming klase pero dito sa Banana Split iisang klase, yung sitwasyon na nagpapatawa, hindi yung mga artista mismo. Saka dahil sa Banana Split ang dami kong roles na nakuha, like hindi lang laging leading man, hindi lang laging may love story. Ang dami kong naggawang roles dahil sa Banana Split dahil may nakita silang iba sa akin.”

Dalawa ang pinagkakaabalahang pelikula ni Zanjoe Marudo sa kasalukuyan, isa dito ay ang One More Try na isa sa Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema. Nang kamustahin ng Push.com.ph siya tungkol dito, anya, “Ayun shinoshooting pa rin namin siya. Medyo marami na kaming nakukunan at magandang-maganda yung pelikula namin kasi bawat eksena pinag-aaralan, ang gagaling ng artista, ang galing ng direktor kasi pang film fest kaya pinaghahandaan e. Ang dami ng pelikulang lumabas na magaganda na yung conflict sa asawa so paano kami magbibigay ng bago sa audience.”

Katatapos din ng shoot niya para sa inaabangang 20th anniversary movie ng Star Magic, ang 24/7 In Love kung saan gaganap siya bilang isang gay at makakatambal ang niya ang real life girlfriend na si Bea Alonzo.

Kilala si Zanjoe sa kanyang mga roles na nagpapakita ng kanyang kakisigan kaya ano ang naging motivation niya sa karakter na bakla? “Actually ang hirap. Sobrang hirap dahil ‘pag yung mga ganung klaseng characters, kailangan ng panahon, kailangan paghandaan, kailangan ng immersion, kailangan makisama ka sa mga friends mo na ganun para makuha yung galaw saka salita. Inamin ko nung unang araw nahirapan ako dahil ang tigas-tigas pero nung tuloy-tuloy na, okay na. Nagiging natural na lahat. Pati sila natatakot na na baka matuluyan na ako.”

Katambal niya sa Star Magic movie na ito si Bea. May nakuhang ba siyang acting tips dito? “Actually pinagmamasdan ko siya, pinagmamasdan ko kilos niya, ginagaya ko at alam ng tao na si Bea yung ginagaya ko.”

Kung sa ibang mga artista na taga-showbiz din ang karelasyon mas madali magkatrabaho dahil gamay na nila ang isa’t isa, para kay Zanjoe ay nahirapan siya sa pag-gawa nito. “Hangga’t maari iniiwasan ko na magkasama kami sa isang project pero dahil anniversary ng Star Magic, 20th anniversary, ayaw ko naman palampasin yung pagkakataon na hindi ako makasali dun. Nung inoffer nila yun, kinuha ko na agad. Saka maganda yung role kahit alam ko na mahihirapan ako. Inoffer na sa akin ibig sabihin nun may tiwala sa akin.”

Dagdag pa niya, “Unang-una ang galing-galing niyang artista, nakakailang, nakakapressure. Ito pa yung character ko so mas may dagdag [na pressure] pero natapos namin yung pelikula na tama lang sa schedule at naggawa namin ng tama. Excited na excited kaming pareho na mapanood yun ng mga tao.”