• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban opens up about love and the current state of her love life

Angelica Panganiban opens up about love and the current state of her love life

Angelica Panganiban says she has no fears when it comes to love and that giving importance to one's self is the greatest lesson she has ever learned.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/20/2012 1:05 AM
Angelica Panganiban opens up about love and the current state of her love life


102012-angelica_main.jpgSa taping para sa ika-apat na annibersaryo ng Banana Split, nakausap ng Push.com.ph si Angelica Panganiban tungkol sa show. “Kung ano ang meron noon na kung ano ang secret recipe ng isang comedy show, nakuha namin which is yung samahan ng isang tunay na pamilya, meron kami nun. May nag-aaway, may nagtatampuhan, may hindi nagpapansinan. Hindi lalagpas yung isang linggo na hindi kayo nagpapansinan at pag dumadaan ang isang linggo na isa sa amin walang communication, mamamatay kami.” Dagdag pa ni Angel, “Kasi di ba ang isang barakdahan sa totoong buhay, masaya, totoo at yun ang meron kami na parang hindi kami nagtatrabaho. Nagkikita-kita kami para mag-enjoy, para magkulitan at yun ang nakikita ng lahat so yun ang pikamagandang nakikita nila sa Banana Split.”

Matagal nang usap-usapan sa showbiz ang diumano’y relasyon na namamagitan kina Angelica at John Lloyd Cruz. Marami ang nagsasabing mula nang mahiwalay sila sa kani-kanilang mga karelasyong Derek Ramsay at Shaina Magdayao, namuo na daw ang pag-iibigan nila. Kaya naman nang matanong ng Push si Angelica kung paano nga ba siya magmahal, “Walang takot. Ayun, walang takot.” Dagdag pa niya, “May mga tao kasi na natatakot na after a relationship hindi na nila kayang magtiwala, hindi na nila kayang maniwala sa relationship at sa love so yung meron ako, meron akong lakas ng loob para tanggapin ulit yung pagmamahal, yung hope at yung relationship na pwedeng ioffer ng ibang tao.”

Ayon din sa dalaga, kapag in love siya, inspirado siya sa lahat ng bagay. Aniya, “Well lagi namang inspired pero mas may dagdag na factor na dala nung kilig na naibibigay sa iyo. Mas ginaganahan kang gumising, mas nae-excite ka kasi yung mababasa mong text, very high school. Very bagets.” 

At sa dami ng napagdaanan ni Angelica sa larangan ng pag-ibig, aniya, ang mas pagpapahalaga at pagmamahal sa sarili ang kanyang pinakanatutunan sa karanasan niyang ito. “Sinabi ko naman ito noon pero mas tamang iaappreciate mo yung sarili mo muna para malaman mo yung tamang happiness at tamang pagmamahal na deserve mo. Kasi baka mamaya hindi ka pala deserving sa ganung klaseng pagmamahal na tinanggap mo so hindi rin kayo magkakaintindihan o baka mamaya kulang yung naibibigay sa iyo pero okay ka na dun so ngayon mas naappreciate ko yung sarili ko, mas na-gets ko ang mga deserve ko na nakuha ko lang kung ano yung gusto ko. I am so happy to say na nasa akin lahat na naniniwala ako na deserve ko.”

Ngunit sa tanong na kung mas matalino na ba siya ngayon pagdating sa pag-ibig, ang naging matapat na sagot ni Angel, “Hindi ko pwede sabihin yun, hindi ko pwedeng paniwalaan na mas matalino ako. Mas nakakatakot na baka one of these days magsalita ako tapos failure nanaman di ba so ang masasabi ko lang hope, hope yung meron ako and positivity.”

Nang matanong ng Push kung gaano siya kasaya sa kanyang buhay pag-ibig sa kasalukuyan, ang mainitriga at malaman na naging naging sagot ni Angelica, “Hindi ko ineexpect na nageexist yung ganitong klaseng happiness.”