• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria doesn't see herself getting married again anytime soon

Jodi Sta. Maria doesn't see herself getting married again anytime soon

Jodi Sta. Maria opens up on the changes in her life with the success of her teleserye 'Be Careful With My Heart.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/16/2012 8:27 AM
Jodi Sta. Maria doesn't see herself getting married again anytime soon


101612-jodi_main.jpgKamakailan sa Kris TV, naging bukas si Jodi Sta. Maria sa mga pangyayari sa kanyang personal na buhay. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na nasa proseso na ang annulment ang kasal niya kay Pampy Lacson, ang anak ng Senador na si Panfilo Lacson.

Nang matanong ni Kris Aquino si Jodi kung nakikita pa niya ang kanyang sarili na ikinakasal, ang naging sagot ni Jodi, “Siguro wala akong problema sa pagmamahal ulit. Yung sa pagpapakasal hindi pa talaga siya sumasagi sa isip ko na once makuha ko yung papel, papakasal na. Di ba ang kulit, kaka-annul lang kasal na naman, hindi ko pa siya nae-entertain, wala pa dun.” Ngunit nang matanong siya kung isa ba siyang “relationship type of person” ang mabilis na naging sagot ni Jodi, “Oo!

Inamin din ni Jodi na nais pa rin naman niyang magka-anak. “Naisip ko rin naman yun, gusto ko rin naman magkaroon pa ng anak. Sabi niya (Thirdy, ang anak nila ni Pampy) one time, ‘Mom I want a baby brother.’ Sabi ko, ‘Anak hindi po pwede ngayon ha, baka soon.’ Sabi niya, ‘Okay lang, buy na lang tayo [ng brother].’”

At sa lahat ng pinagdaanan ni Jodi sa kanyang buhay, ang kanyang anak ang nagsilbing inspirasyon sa kanya para magpatuloy. “Sa kanya (Thirdy) ako humugot ng lakas. Yung maganda sa anak na they love us na hindi jina-judge. Mahal nila tayo kung sino tayo bilang nanay, magulang nila. And basta ang promise ko sa kanya I’ll just try to make him proud of me.”

Dahil sa tagumpay ng kanyang teleseryeng Be Careful With My Heart, naitanong sa kanya ni Kris na, “Did you already think at 30 you’d be a superstar?” isang mabilis na “Honestly, hindi.” Dagdag pa niya, “Sa totoo hindi ko alam kung paano mag-react sa ganyan, kasi lahat ng ‘to bago sa akin.”

Aminado naman si Jodi na hindi niya mararating ang kung anuman ang tagumpay na natatamasa niya kung hindi din dahil sa kanyang partner na si Richard Yap o mas kilala na si Papa Chen. “Sabi ko friends na tayo, hindi lang basta magkatrabaho, na-appreciate kita bilang tao, dedication sa trabaho, tiyaga mo kasi hindi biro for someone relatively new sa business isabak sobrang madaling araw [kaya] maraming salamat.

Kamakailan nga ay pumirma ng three-picture contract sina Jodi at Richard sa Star Cinema kaya naman kaalinsabay nito ang pagkumpirma ni Jodi na pinagpaplanuhan ng mabuti ang pagkakaroon ng movie version ng Be Careful With My Heart matapos ang pag-ere nito sa telebisyon.

At sa tanong na sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa kanya kung may hiling pa ba siya, sagot ni Jodi, “Ano ba? Okay na ako dun, solve na ako!”