• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales opens up about her struggles starting in showbiz

Erich Gonzales opens up about her struggles starting in showbiz

Erich Gonzales talks about getting started in the biz, having fights with Enchong Dee, and her team-up with Mario Maurer.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/16/2012 8:30 AM
Erich Gonzales opens up about her struggles starting in showbiz


101612-erich_main.jpgSa panayam ni Joey Marquez sa Showbiz Inside Report kay Erich Gonzales, aminado ang dalaga na kumpara sa mga naging kasabayan niya sa sinalihang artista-reality search contest na Star Circle Quest Season 2 na agad na nabigyan ng break, matagal ang hinintay niya para makamit ang pinapangarap na break. “Nagdadasal po ako na sana dumating din yung panahon ko na mangyari rin sa akin yung mga nangyari sa kanila. Pero kahit na ganun po, hindi naman po ako nasiraan ng loob kasi marami naman po ang nagsasabi na maghintay ka lang, your time will come.”

Nang dumating ang Katorse, ang una niyang pinagbidahang teleserye, naging sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto. Naging ka-love team niya si Enchong Dee at minsang naitanong sa kanya ang posiblidad na magkroon sila ng relasyon. “Never! Kami ni Enchong away-bati po kami, parang aso’t pusa. Hindi ko po alam kung bakit pero I think normal lang naman po na magkainisan, nagkakapikunan sa mga mabababaw na dahilan lang po pero at the end of the day, alam naman namin na magkaibigan kami.” Dagdag pa ng dalaga sa magandang chemistry nilang dalawa, “Siguro po we’re really blessed with that chemistry na kahit hindi namin pag-usapan yung eksena pag sinabing take na, it comes out naturally.”

At sa malaking oportunidad na naibigay kay Erich na makasama ang international star na si Mario Maurer sa pelikulang Suddenly Its Magic, aminado ang dalaga na isang napakalaking karangalan nito sa kanya. “Hindi ko naman iyon hiningi pero binigay ng Diyos sa akin kaya sobrang grateful ako for this project. Isa po itong blessing for me and sobrang masaya lang ako dahil naka-trabaho ko ang isang Mario Maurer.”

Natutuwa din si Erich na maliban sa malaking pagkakataon na ito, naging close na rin sila ng kanyang bagong leading man. “Naging close po kami. Nag-start nung nag-shoot po kami sa Ilocos.”

Nakatutuwa ding kinukwento ng dalaga ang kanyang mga ginagawa nung magkasama silang nagshu-shooting ni Mario dito sa Ilocos. “Lagi kong tinatanong kung may pagkain, kung may kailangan siya. Nagdala ako ng folding chair para kumportable siya. Tapos sabi niya gusto niya makatikim ng adobo, tapos lagi kong tinatanong kung anong gusto niyang food kasi kailangan din niyang mag-adjust sa food natin dito so pinabibilhan ko siya.”

Sa laki ng kanyang mga proyekto at sa lahat ng kanyang natatamasa ngayon, isang simpleng pangarap lang ang gusto niyang matupad para sa kanyang ina at mga kapatid. “Kay Mama gusto ko lang maging masaya siya, lagi siyang maging healthy, mag-enjoy, mag-relax.”

At para sa kanyang sarili, inamin naman niyang marami pa siyang gustong tuparin. “Marami pa! Gusto ko pa pong gumawa ng mga projects na may kabuluhan. Gusto kong magkaroon ng sariling pamilya pero hindi pa ngayon, matagal pa.”

May nais din siyang iparating sa mga tulad niya na naghintay ng matagal at unti-unting narating ang mga pangarap. “Ang pangarap hindi nananatiling pangarap na lang. Basta mayroon kang determinasyon, sipag, tiyaga at tiwala sa Diyos, wala pong imposible. At ‘pag natupad yung pangarap mo, kailangan magkaroon ka ng purpose sa buhay at ibigay mo at ipasa mo yung blessings mo sa ibang tao. Pay it forward.”