• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson doesn't want to comment on the issue concerning Sarah Geronimo and her mother

Gerald Anderson doesn't want to comment on the issue concerning Sarah Geronimo and her mother

The actor refuses to react on the issue Sarah's mom fired her make up artist and stylist because of him.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/15/2012 10:36 AM
Gerald Anderson doesn't want to comment on the issue concerning Sarah Geronimo and her mother


101512-gerald_main.jpgMay mga lumalabas na isyu ngayon na nagpaalam umano si Gerald Anderson sa kanyang kaibigan na si Rayver Cruz na liligawan nito si Shaina Magdayao na noon ay na-link din kay Rayver. 

Nakapanayam ng The Buzz si Gerald at natawa siya nang tanungin hinggil sa nasabing isyu. “Hindi ho totoo ‘yon. Maganda si Shaina pero wala hong katotohanan ‘yon,” pagtanggi ng aktor. 
Nang matanong naman siya kung may posibilidad ba na ligawan niya ang aktres, natawa muna ang binata at paiwas na tumugon, “Hindi ho totoo ‘yon. Hindi totoo ‘yon.”  

Kinunan din ng reaksyon si Gerald sa umano’y pagpapatanggal ni Mommy Divine ng makeup artist na si Jing Monis at stylist na si Eric Pe Benito na mga nag-aayos kay Sarah Geronimo for many years dahil maka-Gerald umano ang mga ito. “Ayoko na hong pag-usapan ‘yon,” iwas ni Gerald. “Kasi ayun lumabas naman, kumbaga nasa inyo ho ‘yon, sa mga nakabasa no’n. Kumbaga 'wag na nating pahabain pa. Tama na ho. Tama na.” 
 
Hiniritan pa si Gerald kung closed book na ba ang isyu nila ni Sarah. “Ayoko na hong pag-usapan pa. Ayoko nang pag-usapan … kumbaga wala kaming ano... there’s no reason para pag-usapan na ‘yon, like I said before sana respeto at privacy ibigay natin.” 

Dinugtungan pa ito ng isa pang tanong kung hindi ba niya ipagtatanggol si Mommy Divine na ngayon ay siyang itinuturong dahilan sa pagkakatanggal ng mga dating nag-aayos kay Sarah. “Ang sinabi ko dati pa, dating-dati pa bigyan natin ng privacy, ng respeto. Eh ‘yun nga, eh hindi pa ho binibigay eh,” sagot ni Gerald. 

Nagkibit-balikat lang ang aktor nang tanungin siya kung may katotohanang tinatago lamang nila ni Sarah ang kanilang relasyon. 

Nang tanungin naman si Sarah hinggil sa kanila ni Gerald, umiwas din ang dalaga. “Basta ok po ang lahat. Ayoko na pong ano… sana pag-usapan pa.”