• Home
  • Fresh Scoops
  • KZ Tandingan gets tips from mentor Charice on handling criticisms

KZ Tandingan gets tips from mentor Charice on handling criticisms

The first-ever grand winner of 'X Factor Philippines' shares that she takes criticisms constructively.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/14/2012 10:41 PM
KZ Tandingan gets tips from mentor Charice on handling criticisms


101512-kz_main.jpgNag-open up kahapon sa The Buzz ang first grand winner ng X Factor Philippines na si KZ Tandingan hinggil sa pagiging kontrobersyal ng kanyang mentor na si Charice. Aniya, marami mang bashers ang international singing sensation ay kampante naman ito na wala siyang ginagawang masama. Malaking tulong naman ito kay KZ ngayong natupad na ang pangarap niyang maging singer. “Alam po namin ‘yung mga bashers (na nagki-criticize) ganyan pero pag pinag-uusapan po namin, palagi niyang sinasabi sa amin na kahit anong sabihin nila alam naman po namin ‘yung totoo,” simula ni KZ. “Tapos hayaan na lang po kasi in a way advantage na rin kasi pinag-uusapan ka pa rin.” 

Gaya ng kanilang mentor, may bashers din si KZ pero natututunan na niyang i-handle ang mga ito. “Alam naman po namin ang totoo, so di naman kami masyadong naaapektuhan. ‘Yung iba naman pong negative na tweets tini-take ko siya na constructive criticisms,” sambit ng aspiring singer. Aminado si KZ na kabado siya pero handa na niyang pasukin ang mundo ng showbiz. “Kinakabahan nga po ako pag tinatanong ako n’yan pero nandito na po ako. Go lang po ng go. Todo-todo na po ito.” 

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay willing din niyang subukan ang pag-arte at ang gusto niyang makatrabaho ay sina Kean Cipriano at Sam Milby.