• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez's plea to Patrick Meneses and Ara Mina: 'Magbati-bati na tayo'

Aiko Melendez's plea to Patrick Meneses and Ara Mina: 'Magbati-bati na tayo'

The actress explains that in the legal battle she is engaging with former boyfriend Patrick Meneses and Ara Mina, nobody is a winner.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/14/2012 10:45 PM
Aiko Melendez's plea to Patrick Meneses and Ara Mina: 'Magbati-bati na tayo'


101512-aiko_main.jpgKahapon sa The Buzz ay hindi naiwasang maging emosyunal ni Aiko Melendez sa pagbibigay ng mensahe sa dating kasintahan na si Patrick Meneses at aktres na si Ara Mina. “Siguro para kay Patrick (Meneses) at para kay Ara (Mina). Tama na,” naluluhang pahayag ng aktres. “Kasi may mga anak ako eh. Alam mo ‘yung pakiramdam na feeling mo na pinagtutulungan ka na wala ka namang ginagawang atraso. Tama na kasi gusto ko lang maging mabuting ina sa mga anak ko.” Si Patrick ay dating kasintahan ni Aiko at alkalde ng isang bayan sa Bulacan. Ngayon naman ay napapabalitang magkasintahan sina Patrick at Ara. Nagsampa naman ng kasong libelo si Patrick laban kay Aiko dahil sa umano’y paglalabas ni Aiko ng mga pahayag na kumukuwestyon sa sekswalidad ng pulitiko.

Gusto ko lang magtrabaho dahil kailangan ko dahil single parent ako. Tama na. Kung pwedeng magbati-bati na tayo. Tama na, bati na. It doesn’t make me less of a person now if I say na tama na, tigilan na natin ito. It doesn’t make (someone) a better person kung sino nanalo, sino ang natalo; pareho kaming talo,” pakiusap pa ni Aiko. 

Dating magkaibigan na nauwi sa awayan ang istorya nina Aiko at Ara. Noon din ay naging boyfriend ni Ara si Jomari Yllana na ex-husband naman ni Aiko. Pinili naman ni Aiko na huwag sumagot nang tanungin siya ni Boy tungkol sa relasyon niya sa dating kaibigang si Ara. “Ang sarap-sarap sagutin ng tanong na ‘yan kasi I’ve been so quiet for a very long time,” simula ni Aiko. “They always ask me for my reaction pero I know (that) when I say something I know the consequences that can happen eh. I’d like to keep the sanity of me being a woman and just to remain a good mother to my children. That’s why I’d rather not say anything about that. Matatalino naman ang tao eh. Alam naman nila kung ano’ng nangyari. So I’ll just let them judge and let them say their peace not me.” 

Aminado si Aiko na mahirap ang kasong isinampa sa kanya ni Patrick. “Kasi parang nakakapagod, it’s draining financially, emotionally, spiritually. There are nights that I can’t sleep. Sana lang tapusin na kasi kung papahabain it’s just a waste of time for both parties’ not just my time but their time also.”  

Ipinagdiriwang ngayon ni Aiko ang kanyang 25 years sa showbiz at ang pagkakaroon daw niya ng dalawang anak ang pinakamasayang karanasan sa buhay showbiz niya. Ang kanyang unang anak ay kay Jomari, samantalang ang kanyang pangalawang anak ay kay Martin Jickain. 

Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, nais daw ng aktres na gumanap ng isang baliw. “As in ‘yung Sisa…schizo kasi it’s something na makikita mo, madi-distort ang mukha mo, you don’t have to pretend you’re beautiful, you’re glamorous. Gusto kong mag-experiment sa (role) ganon,” paliwanag niya.