• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai Ai delas Alas hopes to still be the Box-Office Queen in the upcoming MMFF

Ai Ai delas Alas hopes to still be the Box-Office Queen in the upcoming MMFF

The Comedy Concert Queen hopes to earn and keep the title in the next five years.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/14/2012 10:49 PM
Ai Ai delas Alas hopes to still be the Box-Office Queen in the upcoming MMFF


101512-aiai_main.jpgKumpirmado na ang pagsasama ng tatlo sa pinakasikat na artista ng kasalukuyang henerasyon sa nalalapit na Metro Manila Film Festival: sina Kris Aquino, Vice Ganda at Ai Ai delas Alas para sa pelikulang may working title na Sisteraka

Matatandaang umurong noong una si Kris sa nasabing pelikula na pagbibidahan nila ni Vice Ganda. Nagdesisyon si Kris na umurong dahil sa kanyang sobrang hectic na schedule. “So sabi niya sana ako na ‘yung pumalit sa kanya sa Metro Manila Film Fest,” kuwento ni Ai Ai sa interview ng The Buzz team. “Sabi ko, ‘Sure!’ Siyempre hindi naman ako aarte na siyempre sayang din ang kikitain ko do’n, kumbaga umoo ako sa kanya pero alam ko siguro mga ¼ ng rule ng Metro Manila Film Fest bawal magtanggal pero pwedeng magdagdag, so parang 'di pumayag ang Metro Manila Film Fest na wala siya (Kris) so bale tatlo na kami ngayon.” 

Nakakaramdam naman daw siya ng sobrang excitement dahil pareho niyang unang pagkakataon ito na makatrabaho ang dalawang magiging co-stars.  

Ang isa pang posibleng maging isyu sa gagawing pelikula ay ang billing nila pero iiwan daw ito ni Ai Ai sa kanyang manager na si Boy Abunda. “Hindi ko alam pero si Boy na bahala sa akin. Siya na bahala do’n and alam ko naman na alam niya kung ano ang dapat gawin at ano ang dapat maging billing ko,” anang Comedy Concert Queen. 

Tila magiging mahigpit naman ang laban pagdating sa MMFF Box-Office Queen dahil marami sa mga sikat na aktres ang lalahok dito. “Si Judai (Judy Ann Santos), tapos kami ni Kris, tapos si Bea Alonzo, so marami kami ngayon na magko-compete pero gusto ko ako pa rin kasi magkakasunod ‘yan (na ako ang MMFF Box-Office Queen) 2010 ay ako, 2011 ako rin, so sana mga 2012. Tapos (in the next) five years sana ako (pa rin).”