• Home
  • Fresh Scoops
  • 'This Guy's In Love With You Mare' earns P23-million on its first day

'This Guy's In Love With You Mare' earns P23-million on its first day

Vice Ganda and Luis Manzano tweet their thanks to those who supported their movie.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/12/2012 11:12 AM
'This Guy's In Love With You Mare' earns P23-million on its first day


101212-viceluis_main.jpgMatindi ang kasiyahan ngayon ng komedyanteng si Vice Ganda dahil sa pagtabo sa takilya ng kanyang pinakabagong pelikulang This Guy's In Love With You Mare kung saan kasama niya din sila Toni Gonzaga at Luis Manzano bilang mga bida.
 
Sa kanyang Twitter account nitong Huwebes, inihayag ni Vice Ganda na P23 milyon na ang kinita ng kanyang comedy film sa unang araw pa lang nang pagpapalabas nito na nagsimula noong Miyerkules.

"A call from Star Cinema woke me up with the news that #ThisGuysInLoveWithUMare first day grossed 23M as of last night. Woow! Thank you Lord!" ani Vice Ganda.

"Parang biglang nawala ang kirot ng katawan ko dahil sa balitang natanggap ko. Salamat po Madlang People!," dagdag pa nito.

Nagpaabot din ng kasiyahan si Luis sa tagumpay ng kanilang pelikula.

"@vicegandako - proud of you munchie!! Sorang galing mo sa movie!"
 
Inaasahang ang This Guy's In Love With You Mare ang magiging pangatlong blockbuster hit ni Vice Ganda.

Ang pelikula ni Vice na The Unkabogable Praybeyt Benjamin, ang siya pa ding may pinakamalaking  kinitang pelikula sa bansa.