• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo speaks up about issue involving her mom and her former stylist and makeup artist

Sarah Geronimo speaks up about issue involving her mom and her former stylist and makeup artist

Sarah Geronimo says that it's a just case of miscommunication between her family and her former stylist and makeup artist.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/10/2012 9:31 AM
Sarah Geronimo speaks up about issue involving her mom and her former stylist and makeup artist


101012-sarah_main.jpgNagbigay ng reaksyon si Sarah Geronimo hinggil sa umano’y pagpapatalsik ng kanyang Mommy Divine sa stylist at makeup artist niya. Ito ay dahil malalapit umano ang mga ito kay Gerald Anderson na dating nali-link kay Sarah.

Isang malaking miscommunication po talaga,” simula ni Sarah sa press conference ng Cherry Mobile sa Dolce Latte Café sa may Quezon Avenue, Quezon City. “Alam n’yo mahal ko po talaga ang mga taong ‘yon. Talagang habang-buhay ‘yung utang na loob ko sa kanila. Hinding-hindi mawawala po ‘yon at never ko pong gagawin [ng] pamilya namin, lalong-lalo na kami ng nanay ko, na magpapa-ban kami ng mga tao. Sino ba naman kaming mga powerful na tao na magpa-ban ng mga stylist? Atsaka mahal po namin sila.”

Ang tinutukoy ni Sarah ay ang makeup artist na si Jing Monis at stylist na si Eric Pe Benito na for a long time ay mga nag-aayos sa Popstar Princess. Ayon pa sa report ng Yes! Magazine, ang mommy ni Sarah na si Mommy Divine umano ang nagpatanggal sa dalawa dahil maka-Gerald daw sila.

Sa press conference, sinabi ni Sarah na hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang mga isyung ito.

Nang tanungin siya sa pagpapangalan sa kanyang nanay bilang dahilan ng pagkakatanggal ng dalawa, ang sagot ng apektadong si Sarah, “Sobra. Ang sinasabi ko lang po hindi po namin magagawa ‘yon.”

Kung tahimik lamang si Jing sa isyu na ang dahilan ay masyado siyang abala sa mga salon niya, napaka-vocal ni Eric sa pagsasabing si Mommy Divine daw ang nagpatanggal sa kanila.

Hindi itinanggi ni Sarah na apektado ang kanyang ina sa mga naglabasan isyung ito. “Siyempre masakit nung nabasa ko ‘yung magazine. Masakit. Napaluha ako kasi never ko in-expect na magkakaganoon. Parang out of nowhere naging ganoon. ‘Anong nangyari? Parang paanong nangyari?’ Pero as long as ‘di naman po totoo and as long as malinis po, clear po ang conscience po namin ng buong pamilya. Walang dapat ikabahala. Kailangan lang po personal na makapag-usap-usap para maayos ‘yung friendship po na meron po kami.”

Inilarawan din ni Sarah kung paano naapektuhan ang kanyang ina subalit bigla rin niyang binawi ito at tumangging magdetalye. “Siyempre masakit po na makita ko ‘yung mommy ko na hindi na din po pinapakita sa akin kungayoko na pong magbigay ng detalye. Sana po maayos. Wag na lang po natin idetalye,” pakiusap niya.

Gayunpaman, umaasa si Sarah na magkausap-usap sila nang masinsinan upang maayos nila ang isyu.