At mula nga dito ay napag-usapan ang isang aspeto ng kanyang pinagmulan bago narating ang lahat ng ito: ang lumaki si Bea na hindi buo ang kanyang pamilya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na hindi niya pa nakikilala ang kanyang tunay na ama. “I did not think that it was abnormal, I thought it was normal parang ganun. Lagi akong binibigyan ni Lord ng father figure, at that time it was my Tito, then nandiyan si Mr. M (Johnny Manahan) tapos si Direk Lauren (Dyogi). Hindi ako nawawalan ng tatay, hindi naman ako nagkaroon ng urge o hindi naman ganun kalaki ang kakulangan ko sa buhay ko na maging rebelde ako. Talagang pinursigi ng nanay ko na palakihin ako ng maayos.”
Ngunit may inamin si Bea na nakaapekto sa kanya lalo na tuwing dumarating ang ganitong mga okasyon. “I hate Family Days, kasi talagang naiinggit ako.”
Habang lumalaki si Bea, malaking ang naging epekto nito sa kanya sa kung paano niya nakikita ang sarili niya at kung paano ito nakatulong sa kanya ngayon. “Siyempre may mga disadvantage although nag-focus ako sa mga disadvantage nun na parang mas naging matapang ako, mas matatag ako. Kasi nga hindi naman perfect ang childhood although talaga my mom would really try again but it was hard and now I am realizing na sobrang hirap talaga ng pinagdaanan niya.”
At sa aspeto ng pagkakaroon ng sarili niyang pamilya balang araw, isang buong pamilya ang hiling ni Bea. Aniya, “Sana hindi ako itest ni Lord pero right now and ever since I was young, isa na yun sa mga malalaking pangarap ko.”